|
||||||||
|
||
SINABI ni Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario na ang batas ang siyang sandigan ng kapayapaan, kaayusan at pagiging patas sa mga makabagong lipunan. Ang pagsibol ng tinaguriang "rules-based international system" ang siyang nakapagpapanatili ng kaayusan sa daigdig.
Sa isang press statement, sinabi ni Ginoong Del Rosario na ang paggalang at pagsunod sa international law ang siyang nakapagnatili ng kapayapaan at nakalutas sa mga 'di pagkakaunawaan sapagkat ang international law rin ang nagbigay ng patas na tinig sa mga bansa anuman ang katayuan sa larangan ng politika, ekonomiya at military kaya't nawawala ang paggamit ng dahas.
Idinagdag pa ni Ginoong Del Rosario na kung mayroong mga 'di pagkakaunawaan, ang mga alituntunin ang nagbibigay ng patas at payapaang paraan tungo sa kalutasan ng mga sigalot.
Ang pinakahuling insidente na nakatawag ng pansin ng madla ay naganap noong 1995 sa Panganiban o Mischief Reef sa South China Sea. Ginawang halimbawa ni Ginoong Del Rosario ang pag-aari ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group ay nag-uugat sa lehitimong maritime jurisdiction na hinahabol ng ibang bansa, kahit pa ang pag-aari ng Pilipinas sa kapuluang nabanggit ay naaayon sa international law.
Ang "rules-based approach" ang nagbibigay ng susi upang mapatibay ang pag-aari ng Pilipinas at maisulong ang payapang paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan sa South China Sea.
Ipinaliwanag pa ng kalihim ng ugnayang panglabas na para sa Pilipinas, ang primacy ng international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea, ang pinaka-ugat ng pagkilala ng bansa sa nasasakupan nito sa South China Sea. Ito rin ang naging sandigan kaya naipasa noong 2009 ang Philippine Archipelagic Baselines Law na kilala sa pangalang Republic Act 9522.
Binigyang-diin ni Ginoong Del Rosario ang kasunduang nilagdaan ng ASEAN at China noong 2002 na kilala sa pangalang Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea.
Iniaalok ng Pilipinas ang sinasabing Zone of Peace, Freedom, Friendship, and Cooperation sa lahat ng interesado sa South China Sea.
TINIYAK ng Pamahalaang Aquino na kanilang nilulutas ang mga problemang tulad ng kakulangan ng mga kailangan ng public school system. Maliwanag umano na prayoridad ito ng pamahalaan at mangangailangan ng reporma upang higit na maging mahusay ang sistema.
Sinabi ni Secretary Edwin Lacierda na mula sa budget na P 271.6 bilyon sa 2011 General Appropriations Act mula sa P 240.5 bilyon noong 2010, kinakitaan ito ng dagdag na 12.92%. Umabot sa P 192.l3 bilyon para sa basic education na nasa ilalim ng Depatment of Education. Ayon sa Malacanang, nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang Edukasyon.
SAMANTALA, nagpasalamat ang Pamahalaang Aquino sa desisyon ng Senado na suportahan ang layunin nitong huwag munang ituloy ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Mahalaga umano ang suporta ng mga senador sa Senate Bill No. 2756 upang magkaroon ng kailangang reporma sa mahirap na rehiyon.
Nagpapakita lamang umano ang desisyon gn mga senador na handa silang sumama sa madlang0bayan tungo sa daang matuwid upang higit na maging makahulugan ang pagbabago.
Pinapurihan ng Malacanang sina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Franklin M. Drilon upang makapasa ang panukalang batas sa tamang oras.
Nais ng administrasyong isabay na ang halalan sa ARMM sa darating na halalan sa 2013 bagama't maliwanag sa Saligang Batas na nararapat gawin ang halalan sa Agosto 8,2011.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |