Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya ang lulutas sa problema ng South China Sea

(GMT+08:00) 2011-07-01 17:59:32       CRI

NAKASALALAY sa diplomasya ang kinabukasan ang Pilipinas at Tsina at iba pang mga bansang naghahabol sa mga kapuluang nasa South China Sea o West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alberto Del Rosario sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga.

Desidido ang Pilipinas na panatiliing mapayapa ang kapaligiran nito kasabay ng pagsunod sa layunin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na maibsan ang kahirapan ng bansa at magkaroon ng maayos na pagpapatakbo ng pamahalaan.

Binigyaang-diin ni Kalihim Del Rosario na isinasaayos pa ng kanyang tanggapan ang kanyang paglalakbay patungong Beijing, Tsina mula ika-pito hanggang ika-siyam ng Hulyo sa paanyaya ng Pamahalaang Tsino.

Sinabi ni Ginoong Del Rosario na mula noong ika-25 ng Pebrero, nagkaroon na ng pito hanggang siyam na "intrusions" ng mga Tsino sa bahagi ng nasasakupan ng Pilipinas, Pinaputukjan na umano ang mga bangkang pangisda ng mga Pilipino at nagkaroon na rin ng harassment sa isang exploration ship ng Pilipinas at ang paglalagay ng mga marker sa Reed Bank.

Maaari umanong nagpaparamdam ang Tsina dahilan sa mga nadidiskubreng mayamang pinagmumulan ng natural gas sa karagatan at kapuluang nasa kanluran ng Pilipinas.

Sa likod ng mga pangyayaring ito, binigyang-diin nhi Ginoong Del Rosario na diplomasya pa rin ang makalulutas sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas, Tsina, Vietnam at iba pang naghahabol sa Spratlys.

Sinabi pa ng ikalawang foreign secretary ni Pangulong Aquino sa loob ng isang taon na ang kasunduan sa pag-itan ng Pilipinas, Tsina at Vietnam ay kasunduan ng mga pribadong kumpanya na magsusuri, mag-aaral at titingin sa natural resources ng karagatan. Niliwanag niyang hindi ito kasunduan ng mga pamahalaan.

Bilang reaksyon sa balitang hindi na maglalabas ng work visas ang Saudi Arabia sa mga domestic workers ng Pilipinas at Indonesia, inamin ni Kalihim Del Rosario na may mga kaakibat na suliraning idudulot ito lalo pa't higit sa isang milyon, dalawang daang libong Pilipinong manggagawa ang nasa Saudi Arabia at kabilang na dito ang higit sa isang daang libong domestic workers sa mayamang bansa ng Saudi Arabia. Bagama't makakatulong ang diplomasya sa suliraning ito, mas malaki ang papel na nararapat gampanan ng Department of Labor and Employment sa ilalim ni Kalihim Rosalinda Baldoz.

SAMANTALA, nakatakdang pag-usapan ng mga kasapi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mainit na isyung may kinalaman sa mga mamamhaling sasakang sinasabing ibinigay sa ilang mga kasamahan nila ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa kanilang pagpupulong mula sa ika-walo hanggang ika-sampu ng Hulyo sa Pope Pius Catholic Center dito sa Maynila.

Ayon kay CBCP President at Tandag Bishop Nereo P. Odchimar, pakikinggan niya ang mga pananaw ng iba't ibang Obispo. Ayon kay Obispo Odchimar, wala siyang nalalaman tungkol sa pamamahagi ng mga mamahaling mga sasakyan mula sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>