|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na mahalaga pa rin ang diplomasya sa paglutas ng mga 'di pagkakaunawaan sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas. Sa isang panayam ng CBCP Media Office kanina, sinabi ni Vice President Binay na hindi naman ito nangangahulugan na lilimutin na lamang ng Pilipinas ang bahaging tunay na pag-aari nito tulad ng ilang pulo na napakalapit sa Palawan.
Mas magandang pag-usapan ng Tsina at Vietnam ang kanilang paghahabol sa mga kapuluan sa karagatan tulad rin ng Pilipinas. Sapagkat malaki ang salapi ng Tsina, mas makabubuting tumulong na lamang ang bansang pangalawa sa pinakamayaman sa daigdig sa larangan ng pangangapital at hatian ang mga bansang naghahabol din sa likas na yaman ng karagatan.
Sinabi pa ni Pangalawang Pangulong Binay na higit na magiging madali ang kalutasan sa sigalot kung makakasama ang Tsina sa mga bansang kumikilala sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
NAGPASALAMAT naman si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa paglagda ng Pamahalaan ng Pilipinas at Cordillera Bodong Administration at Cordillera People's Liberation Army na maghahatid ng kapayapaan sa kabundukang bahagi ng Luzon, sa Cordillera Region, na isa sa pinakamahirap na bahagi ng Pilipinas.
Ani Pangulong Aquino, hindi mapababayaan ang mga taga-Cordillera kung kaunlaran ang pag-uusapan sapagkat malaki ang kanilang papel sa pagpapanatili ng ka payapaan sa bahaging iyon na bansa. Lumakas ang grupong armado sa pook dahilan mga pag-abuso ng militar noong mga nakalipas na dekada at kawalan ng mga programang magdadala ng kaunlaran doon.
Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na tumagal ng 25 taon ang pag-uusap sa pag-itan ng pagkabilang panig. May mga kasapi sa Cordillera People's Liberation Army na makakasama na rin ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, bilang bahagi ng kasunduan ng magkabilang panig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |