Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim Del Rosario, nasa Beijing na

(GMT+08:00) 2011-07-07 18:53:22       CRI

Umalis na kaninang umaga si Foreign Secretary Albert F. Del Rosario patungong Tsina sa paanyaya ni Chinese Foreign Minister Yang Jiechchi para sa isang opisyal na pagdalaw mula ngayon hanggang bukas.

Samantalang nasa Tsina, makakausap niya si Vice President Xi Jinping and Foreign Minister Yang Jiechi.

Ayon sa press statement mula sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, layunin ng pagdalaw ni Ginoong Del Rosario sa China ang maisulong ang mga kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanyang pagdalaw, mapapag-usapan ang mga paksang may kinalaman sa kalakal, investments, kultura, turismo, defense cooperation, edukasyon, agham at teknolohiya, ang people-to-people relations at ang pagtutulungan laban sa transnational crimes.

Sa nakalipas na 36 na taong may diplomatic relations ang Pilipinas at Tsina, humigit na sa isang daang mga kasunduan ang nalagdaan.

Sinabi ni Kalihim Del Rosario na inaasahan niyang mapaguusapan ang West Philippine Sea issue subalit hindi nakasalalay sa usaping ito ang buong pakikipag-kaibigan ng Pilipinas sa Tsina.

MALAKI umano ang nawawala sa mga magsasakang nagtatanim ng sibuyas at umabot na sa P 75 milyon sa nakalipas na tatlong linggo dahilan sa pagpasok ng mga ipinuslit na produkto mula sa ibang bansa.

Ito ang hinaing ng mga magsisibuyas sa lalawigan ng Nueva Ecija na umano'y hindi makakalaban sa mas mababang presyo sa mga supermarket sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa mga magsasakang nakipag-usap kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, bumagsak ang preso ng sibuyas at nakarating sa P 23 para sa yellow granex at P 25 naman para sa red creole variety sa mga pamilihan tulad ng Divisoria na paborito ng mga mamamakyaw o wholesalers.

Umabot umano sa 540 metriko toneladang sibuyas mula sa Tsina at India ang dumating sa Port of Manila, Manila International Container Port at maging sa mga daungan sa Cebu, Davao ant Cagayan de Oro.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>