Ramon: Magandang magandang gabi sa lahat ng mga kababayan everywhere in the world. Welcome sa Paligsahang Pangkaalaman: Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ngayong gabi, darako na tayo sa ikatlong serye, series no. 3 Magandang gabi, Vera.
Vera: Magandang gabi, Kuya Ramon. Magandang gabi sa lahat ng mga tagasubaybay.
Ramon: Vera, imadniyin mo na ikaw ay nasa ibang bansa at naglalakad sa daan at biglang makakarinig ng mandarin sa paligid. Ano ang magiging feeling mo?
Vera: Siyempre, magugulat ako. Magtataka ako bakit may nagsasalita ng Mandarin.
Ramon: Ano sa tingin mo ang mararamdaman mo kung makakarinig ka ng Mandarin sa isang radio program mula sa ibang bansa?
Vera: Palagay ko kahit papaano, magiging emotional ako, pero, higit sa lahat, magiging proud ako, kasi ginagamit nila ang mother tongue ko sa ibang bansa.
Ramon: Sa tingin ko, ganyan din ang nararamdaman ng mga tagasubaybay ng CRI sa lahat ng sulok ng mundo. Sa palatuntunan ngayong gabi, ikukuwento natin sa ating mga tagapakinig ang hinggil sa ilang CRI staff na nag-aaral ng wikang dayuhan.
Vera: Pero, bago natin simulan ang kuwento, ibigay muna natin sa kanila ang dalawang tanong para sa serye na ito ng ating pakontes. Una, ilan ang lengguwaheng ginagamit ng CRI sa pang-araw-araw na pagsasahimpapawid nito?
Ramon: No. 2, kailan nagsimula ang CRI online?
Ramon: Alam natin na may espesyal na radio frequency at website sa CRI ang karamihan sa mga lengguwahe sa buong mundo, mga lengguwahe man na malawakang ginagamit na tulad ng Ingles, French, Spanish, Ruso, Arabic, o mga lengguwahe na tulad ng Bengali, Pashto, Sinhalese at Swahili.
Vera: Tama. Sa kasalukuyan, ang CRI ay nagsasahimpapawid sa 61 lengguwahe lahat-lahat.
Ramon: Wow, 61 lengguwahe. Ganun karami?
Vera: Totoo! Ang radio frequency ng CRI ay sumasakaw sa mahigit 200 bansa't rehiyon sa buong mundo.
Ramon: Matanong nga kita. Ikaw ay Chinese. Bakit nag-aral ka Filipino language sa university?
Vera: Naku, ilang ulit nang itinanong sa akin iyan, at ilang ulit ko na ring sinagot. Kung sasagutin ko iyan siguro kulang ang 30 minutes. Ibig sabihin, walang balita, walang "paligsahang pangkaalaman" at walang "pag-aaral ng wikang Tsino", kuwento ni Vera lamang, haha…
Ramon: Ok, tatalakayin natin ang isyung ito pagkatapos ng trabaho.
Vera: Walang problema. Pero sa palatuntunan ngayong gabi, matutunghayan natin ang kuwento ng ilang Chinese na kasamahan sa CRI.
Ramon: Sige!
Vera: Si Ginoong Luo Dongquan ay 30 taon nang nagtatrabaho sa Romanian Service ng CRI. Sinabi niya:
"Nagsimula akong mag-aral ng wikang Romanian noong 17 o 18 taong gulang pa lamang ako. Mula noong panahong iyon, nagkokonsentra ang buong buhay ko sa pag-aaral at pagtatrabaho sa wikang Romanian. Sa isip ko, ang Romania ay ikalawang lupang-tinubuan ko. Malalim ang pagkakaibigan namin ng mga tagapakinig na Romanian at napamahal na ang kanilang wika sa akin."
Ramon: Nagtatrabaho ako sa CRI nang mahigit 20 taon. Alam ko, itinuturing na life-long career ng maraming taga-CRI ang dayuhang lengguwahe. Sa kani-kanilang pananaw, walang pagkakaiba sa laki o kultura ang iba't ibang bansa, at nagmamalaki silang nakikipagpalitan sa mga tagasubaybay sa pamamagitan ng kanilang lengguwahe.
Vera: Korek na korek ka diyan. Gawing halimbawa ang Serbisyo Bengali ng CRI na may mahigit 40 taong kasaysayan. Nitong nakalipas na 40 taon, kasabay ng palatuntunan ng Serbisyo Bengali, may-edad na ang maraming batang tagapakinig, at walang tigil na lumalalim ang pagkakaibigan nila ng mga tagapagsalitang Tsino. Sinabi ni Ginoong Shi Jingwu, miyembro ng Serbisyo Bengali ng CRI, na sa tingin ng mga mamamayang lokal, ang pagsasahimpapawid ng Tsina sa wikang Bengali ay nagpapakita ng napakalaking paggalang sa kanilang kultura. Ganito ang sinabi niya:
"Datapuwa't malaki ang populasyon ng Bangladesh, maliit lamang ang bansang ito, kaya sa tingin ng mga mamamayan ng Bengladesh, dakilang bansa ang Tsina. Alam nilang iginagalang ng Tsina ang anumang bansa sa buong daigdig, maliliit man o malalaki, kaya may karaming Tsino ang nag-aaral ng wikang Bengali at nagsasahimpapawid sa kanilang lengguwahe, bagay na tumimo sa puso nila."
Ramon: Sa ilalim ng pabagu-bagong kalihingan ng panahon at kalagayang pandaigdig, walang tigil na sumusulong ang usapin ng komunikasyong panlabas ng CRI. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ng telekomunikasyon, buong lakas na pinapalakas ng CRI ang konstruksyon ng website nito.
Vera: Noong 1998, pormal na naisaoperasyon ang CRI Online— isang multi-lingual website.
Ramon: Sa pamamagitan ng website na ito, maaaring pakinggan ng mga tagasubaybay ang online programme at tunghayan ang mga balita sa kanilang mother tongues.
Vera: Sa kasalukuyan, nagiging isang platapormang binubuo ng 61 wika ang CRI Online, sa gayo'y pinakamarami sa mga pandaigdig na organo ng komunikasyon ang bilang ng mga wikang ginagamit ng CRI.
Ramon: Ang ganitong multi-media platform ay nakakahikayat ng pakikisangkot ng parami nang paraming kabataang Tsino. Si Ginoong Xi Meng ng Serbisyo Pashto ay isa sa mga kabataang ito.
Vera: Ang Pashto ay isa sa mga lengguwahe na ginagamit nang pinakamalawak sa Afghansitan at mahigit 3000 taon na ang kasaysayan nito.
Ramon: Sinimulang isaoperasyon ang short wave programme ng CRI sa wikang Pashto noong 1973, at noong 2010, simulang magbrodkast ang dalawang Pashto FM radio station ng CRI sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, at Kandahar, ika-2 pinakamalaking lunsod sa bansang ito, bagay na nagbukas ng bagong pinto para sa pag-alam ng mga mamamayang Afghan ng Tsina.
Vera: Ayon kay Xi Meng, di-tulad ng mga radio programme ng BBC o VOA sa Afghanistan, ang mga palatuntunan ng CRI ay siyang tanging palatuntunan na direktang ginagawa at ibinobrodkast ng mga dayuhan. Papakinggan natin ang sinabi ni Ginoong Xi Meng.
"Maraming curious kung bakit may mga Tsinong nagsasalita ng wikang Pashto at gumagawa ng mga radio programmes sa Pashto. Datapuwa't hindi pa natatagalan sapul nang isaoperasyon ang aming FM radio, nakatawag na ito ng napakalaking pansin ng official media, mataas na opisyal ng pamahalaan at mga karaniwang mamamayan. Sa ilalim ng napakahirap na kondisyon noong nakaraan, patuloy pa rin ang mga tagasubaybay sa pakikinig sa aming short wave radio, at ngayon, buong lugod na nilang nakita ang pagsasaoperasyon ng FM radio."
Ramon: May isang kuwento sa Holy Bible na nagsasabing nagbuklod minsan ang sangkatauhan para itatag ang isang mataas na tore patungong paraiso, pero napigilan ng Diyos ang tangka ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa pagsasalita ng magkakaibang lengguwahe sa kanila, sa gayo'y hindi nakipag-ugnayan sila sa isa't isa at mabigo sa wakas ang plano sa pagtatatag ng ganitong tore.
Vera: What a pity! Pero dito sa CRI, iginagalang ng lahat ng mga miyembro ang pagkakaiba-iba ng kultura, at hinahanap ang pagkakapantay-pantay at pagbibigayan ng iba't ibang kultura. Sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na pagsisikap at kilos, sinasabi nila sa lahat ng mga tagasubaybay sa bawat sulok ng daigdig na magpakailanma'y nagbubuklod ang buong sangkatauhan.
Ramon: At oras na naman para tayong magpaalam. Uulitin namin ang dalawang tanong sa gabing ito: Una, ilan ang lengguwaheng ginagamit ng CRI sa pang-araw-araw na pagsasahimpapawid nito?
Vera: At ika-2, kailan nagsimula ang CRI online?
Ramon: Ito muli si Ramon, sa ngalan ni Vera, wish you good luck and good evening!