B: Magandang gabi, ito po si Earnest.bawat araw, sa iba't ibang lugar ng buong daigdig, naririnig ng maraming takapakinig ang balita mula sa Tsina sa pamamagitan ng CRI para alamin ang sa pagbabago ng Tsina.
A: Oo. Pamiliyar na pamiliyar sila sa tinig ng bawat broadcaster ng CRI, at ang pakikinig ng programa ng CRI ay nagiging isang habit nila bawat araw. Sila ay mga tapat na tagapakinig ng CRI. Ngayong araw, ang dalawang tanong ay may kinalaman sa mga kaibigan at tagapakinig:
1, Gaanong karami ang mga listeners club ng CRI sa ibayong dagat?
2, Anong pangalan ng kauna-unahang listeners club ng CRI?
B: Sige. Sa programang ngayong gabi, isasalaysay ang mga kuwento hinggil sa pagkakaibigan sa pagitan ng mga tagapakinig at mga broadcaster ng CRI.
A: Para sa mga tagapakinig ng Aprika, pamiliyar na pamiliyar sila sa naturang sound. Tama, tinig ito ni Chen Lianying, matandang broadcaster ng CRI sa pagsisimula ng kaniyang programa. Ini-record ito ni Chen noong ika-8 dekada ng nakaraang siglo, at ginagamit ito ng CRI mula panahong iyon hanggang sa kasalukuyan.
B:Bawat araw sa nakaraang halos 40 taon, sa wikang Kiswahili, nagpakilala ng Tsina sa maraming tagapakinig ng Aprika si Chen Lianying at mga colleague niya. At sa malayong Aprika, bawat araw, nadaramdam ang warm voice na ito ng mga tagapakinig ng Kenya, Tanzania at iba pang bansang Aprikano. Pinangalanan siyang: Mama Chen. Sinabi ni Chen na :
"Mga taong nakalipas, bumisita kami minsan sa isang organo ng UN sa Kenya. Narinig ko na may mga Aprikano ang nagsasalita ng wikang Kiswahili, kaya sinimulang nakipagusap ako sa kanila sa wikang Kiswahili. Just one sentence, nalaman nila na ako ay mula sa CRI dahil nakilala nila ang tinig ko. Sa Aprika, nakikilala ng maraming tao si Mama Chen."
A: Sa loob ng building ng CRI, bawat serbisyo ay mayroon isang booth. Sa loob nito, itinatanghal ang mga regalo mula sa mga tagapakinig ng iba't ibang bansa. Ang mga regalo ay nagsisilbing bati sa CRI ng mga takapakinig ng buong daigdig. Sa booth ng Serbisyong Biyetnames, mayroon isang magandang red silk banner. At isinalaysay ni Wu Zhaoying, puno ng serbisyo Biyetnames, ang hinggil sa regalong ito. Sinabi niyang:
" Ang taong 1995 ay ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng serbisyong Biyetnames. Kaya, gumawa ng red silk banner na ito ang isang takapakinig namin sa Ho Chi Ming City. Naantig kami nang tanggapin ang regalong ito, at ang pag-enkorahe mula sa mga tagapakinig ay puwersang tagapagpasulong sa serbisyong Biyetnames na gumagawa ng mas magandang programa."
B: Noong 1961, itinatag ang kauna-unahang listeners club ng CRI sa ibayong dagat: Samahan ng mga tagapakinig Hapones ng Radyo Peking. Noong nakaraang mga 50 taon, ang mga listeners club ng CRI ay nakakakalat sa buong daigdig na umabot sa 3165.
A: Sariling iniorganisa at itinatag ng mga tagapakinig ang naturang mga listeners club. Ang layunin nila ay pakikinig ng mga programa ng CRI, pagkaunawa ng Tsina, at pagsasagawa ng mga pangkaibigang akibidad sa Tsina. Ang maliit na listeners club ay ilampung tao lamang, at ang malaking saklaw na listeners club ay ilampung libong tao. Ang miyembro ng mga listeners club ng CRI sa ibayong dagat ay mga masugit na tagapakinig ng CRI, at napananatili ang malalim na pagkakaibigan nila ng mga mamamayang Tsino.
B: Sa pamamagitan ng pakikinig ng mga programa ng CRI, nalalaman ng mga tagapakinig ang pagbabago ng Tsina, napapalakas ang pagkakaibigan nila ng Tsina. Noong summer ng taong 2001, ini-aplay ng Beijing para sa pagdaraos ng Olympic Game, ini-organisa ng listeners club ng Sri Lanka ang isang autograph activities na nilahukan ng mahigit 50 libong tao bilang pagsuporta sa Beijing, at ipinadala nila ang autograph book sa punong himpilan ng International Olympic Committe o IOC.
A: Noong 2008, naganap ang napakalaking lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina, magkakasunud-sunod na nag-abuloy ang mga tagapakinig ng audienc club ng wikang Tamili ng India.
B: Kasabay nito, sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga paligsahang pangkaalaman sa iba't ibang uri, pinabubuti ng CRI ang kaalaman ng mga tagapakinig sa Tsina. Dahil dito, nakuha ng mga lucky tagapakinig ang pagkakataon na dumalaw at maglalakbay sa Tsina. Isinalaysay ni Chen Lianying na:
"Pagkatapos ng pagpipinid ng pagligsahang pangkaalaman para sa ika-45 anibersaryo ng pagkakaibigan ng Tsina at Tanzania, nag-anyaya kami ng 5 tagapakinig na dumalaw sa Shanghai World Expo, at bumisita rin sila sa Beijing sa loob ng 5 araw. Masayang-masaya sila. Sinabi nilang, naririnig nila ang mga programa ng CRI ay para lamang ipagpatuloy ang pag-ugnay at pagkakaibigan sa CRI at Tsina. "
A: Sa kasalukuyan, ini-broadcast ng CRI sa buong daigdig sa pamamagitan ng 61 wika. Bukod sa tradisyonal na radyo, itinatag rin ng CRI ang multilanguwahang website na pinakamalaking sa ganitong wikang website sa buong daigdig.
B:Nagiging mas malaki ang impluwensiya ng pagpapalaganap ng network, noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng mga netizens, natupad ng English Service ng CRI ang isang "impossible mission".
A: Oo nga e, ganyan ang kawili-wiling kuwentong ito: 12 taon na ang nakararaan, si Wang Weiguo, isang aktor sa Beijing, ay bumili ng ilang matandang larawan sa isang second-hand-goods market sa Beijing. Nakita ni Wang na ang tao sa mga matandang larawan ay isang dayuhang babae. Ipinalalagay ni Wang na ang matandang larawan ay isang precious memory, kaya uamaasa siyang isasauli sa owner ang naturang mga matandang larawan. Nagsadya si Wang sa CRI, para tulungan siya sa paghahanap ng may-ari ng mga matandang larawan.
B: Si Wang Wei na nagtatrabaho sa serbisyong Engles ng CRI ay gumawa ng isang short video na pinamagatang "Sino pa siya?" at inilagay ang videong ito sa website. Pagkaraang 3 buwan, sa ilalim ng tulong ng maraming netizen sa buong daigdig, mahanap na ang owner ng mga matandang larawang ito: siya ay si Joanna, isang babae sa Norway. Nang alamin ang balitang ito, ipinadala ni Joanna ang isang mensahe sa CRI na nagsasabing bibisita siya sa Tsina.
A: Para kina Wang Weiguo at Joanna, ang fantastic experience na ito ay naging isang magandang memory sa puso nila. At para kay Wang Wei at staff ng serbisyong Engles, nadaramdam nila ang trust mula sa mga tagapakinig.
B: Oo. Mga giliw na tagapakinig, no matter where you are, ang CRI ay pinakamagandang kaibigan mo.
A: At diyan nagtatapos ang programang ngayong gabi.
B:Ulitin ko ang mga tanong sa programang ito.
1, Gaanong karami ang mga listeners club ng CRI sa ibayong dagat?
2, Anong pangalan ng kauna-unahang listeners club ng CRI sa ibayong dagat ?
A: At diyan nagtatapos ang mga programa sa gabing ito. Maraming maraming salamat sa iyong walang sawang pakikinig. Ito po si sarah.
B: Ito po si Earnest hanggang sa muli.