Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagharap ni Pangulong Aquino sa MILF, pagpapakita ng katapatan tungo sa kapayapaan

(GMT+08:00) 2011-08-08 19:10:57       CRI

MULA sa Maynila, sinabi ni MILF Vice Chairman for Political Affairs Ghazali Jaafar na ang pagharap ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanilang pinuno na si Chairman Al Haj Murad Ibrahim ay pagpapakita ng katapatan sa layuning matapos na ang kaguluhan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Sa panayam ng CBCPNews, sinabi ni Ginoong Jaafar na naging maganda ang talakayan ng dalawang pinuno tungo sa "political solution" sa kaguluhan sa Mindanao. Ipinaliwanag ni Ginoong Jaafar na bagama't marami ang nagsasabing kahirapan ang pinakasuliranin ng Mindanao, nagmumula at nag-uugat umano ito sa problemang political at malulutas lamang ito kung magkakaroon sila ng sariling pamamaraan upang patakbuhin at tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Ang nais ng MILF ay sila ang magkaroon ng autoridad sa likas na yaman ng Mindanao at bibigyan na lamang nila ng 20 hanggang 30 porsiyento ang pamahalaan sa Kamaynilaan. Hindi naman nila hinahangad na magkaroon ng isang "independent state" subalit nais nilang sila na ang mangasiwa sa kanilang nasasakupan.

Ipinagpasalamat ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang paguusap ng dalawang pinuno bagama't nanawagan siya kay Pangulong Aquino na ihayag ang kanilang mga napagkasunduan. Ito umano ang tamang daan sapagkat nagulat na lamang ang madla sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain na muntik nang nalagdaan kung hindi nagdesisyon ang Korte Suprema na labag ito sa batas.

Sabi naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez, magandang pangitan anhg pagharap ng Pangulong Aquino sa MILF sapagkat mas madali na umanong matatamo ang kapayapaan sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay Cagayan de Oro City Congressman Rufus Rodriguez, ipinagpapasalamat niya ang ginawa ni Pangulong Aquino sapagkat nakita ang kanyang katapatan tungo sa kapayapaan sa Mindanao.

Nanawagan lamang si Rodriguez kay Pangulong Aquino na ihayag sa madla ang kanilang mga napagkasunduan upang masuportahan ng kaukulang batas tungo sa kapayapaan.

Ani Rodriguez, hindi siya magugulat kung mababalita na lamang na dumalaw si Pangulong Aquino sa Utrecht upang kausapin si Jose Maria Sison at madali na rin ang peace talks sa pagitan ng Pilipinas at ng Communist Party of the Philippines/National Democratic Front/New People's Army.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>