![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pinuntahan din namin ang 古玩城 (Guwancheng) o City of Antiques. Dito iba't ibang klaseng makalumang kagamitan ang mabibili. Mula sa mga clay pots, makalumang style ng shades hanggang sa mga mga suklay na gawa sa kahoy.
Mayroon ditong tindahan na talagang nakakuha ng aking pansin. Sa aking unang sulyap, inakala kong mga iba'ti ibang uri ng karne ang kanilang binebenta. Sa totoo lang, nagtaka din ako, dahil sa haba ng kalasada ng antique street ito lang ang nagbebenta ng pagkain at walang nangangamoy na malansa.
Isang anyong dragon na kendi na gawa sa pulang asukal
Nang lapitan ko at mahawakan ang mga ito, bago ko nalaman na ito pala ay mga bato, kakaibang uri ng mga bato na hinugis at kinulay karne. May hugis karne ng baka, nga baboy, paa ng biik, longganisa at iba pa.
Iba't ibang espesyal na matamis ng Tianjin
Mga Related: Tianjin's Gulou (2011.08.15)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |