Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga gawain pakaraan ng Hong Kong hostage-taking incident, hindi pa natapos

(GMT+08:00) 2011-08-22 18:26:14       CRI

Hindi lang paumanhin ang hinihingi ng mga naulila ng mga biktima sa sinasabing manila hostage-taking massacre sapagkat nais din nilang magkaroon ng makatwirang kabayaran at pananagot sa batas ng mga opisyal ng pamahalaang nagpabaya sa insidenteng naganap noong nakalipas na taon.

Magugunitang walong hong kong nationals ang nasawi kasama ng hostage-taker na si police senior inspector rolando mendoza sa napalpak na rescue operations ng manila special weapons and tactics personnel.

Hindi umano malilimot ng pamilya ng nasawing tour guide na si masa tse ting chunn ang naganap sa harap ng quirino grandstand.

Lumiham ang mga naulila at mga nakaligtas sa insidente kay pangulong benigno aquno iii sa pamamagitan ng konsulado ng pilipinas sa hong kong. Hiniling nila kay pangulong aquino na magpakita ng katapatan sa pakikiisa sa kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng isang formal apology at magpaabot ng kompensasyon sa mga naging biktima.

Hiniling din ng grupong mula sa hong kong na gumawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at maiwasang maulit pa ang naganap noong agosto 23, 2010.

Umaasa silang magiging maganda ang tugon ng pamahalaan.

Bukas, pamumunuan ni military bishop leopoldo tumulak ang isang misa ng paggunita sa mga nasawi sa ganap na ika-walo ng umaga sa kapilya ng campo crame, unong tanggapan ng philippine national police.

Inaasahang dadalo sa paggunita sina local government and interior secretary jesse robredo at philippine national police chief director general raul bacalzo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>