Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dating Pangulong Arroyo, inoperahang muli

(GMT+08:00) 2011-08-25 18:27:15       CRI

Naging matagumpay ang ikatlong operasyon ni dating Pangulo at ngayong Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang cervical spine subalit pinagbabakasyon ng mas matagal. Ito ang pahayag ng kanyang mga duktor sa St. Luke's Medical Center. Lumabas kaagad ang balitang ito sa mga media outlets sa Kamaynilaan.

Ayon kay Dr. Mario Ver, ang orthopedic surgeon, ang operasyon na magsasaayos ng kanyang antherior part ng cervical spine ay naging matagumpay at nasa recovery period na siya at may malay. Nilagyan siya ng isang titanium mesh with bone graft upang suportahan ang antherior part ng kanyang gulugod.

Idinagdag ng kanyang manggagamot na magsasagawa silang muli ng isang minor surgery upang alisin ang hale vest na inilagay sa kanyang bungo upang maisaayos ang kanyang cervical spine. Ang halo vest na ito ay talagang kailangan.

Ang dating pangulo'y nakapagsasalita na subalit pawang liquid ang kanyang kinakain.

Samantala, higit sa isang libo tatlong daan katao sa tatlong bayan ng Negros occidental ang lumikas mula kagabi dahilan sa pagbaha ng Binalbagan River dahilan sa matinding ulan at panganib na masira ang kanilang mga tahanan.

Apektado ng pagbaha ang mga bayan ng Moises Padilla, Binalbagan at Isabela. Anim na bahay na ang nasira.

Ilang barangay na rin ang napinsala ng pagbaha. Higit na sa kalahating milyong pisong halaga ng mga pananim ang napinsala.

Patuloy pa rin ang paghahanda ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III para sa kanyang napipintong pagdalaw sa Tsina sa darating na Martes, a-30 ng Agosto.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>