Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang anumang kaguluhan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-08-26 17:18:21       CRI

Mula sa Cambridge, Massachusetts, sinabi ni Vice President Jejomar C. Binay na malayong maganap ang armadong paglalaban ng mga Pilipino at Tsino hinggil sa isyu ng Spratlys. Bagaman, sinabi ng pangalawang pangulo na kailangang magkaroon ng "upgrading" ang kasunduang pangseguridad ng Pilipinas at Estados Unidos samantalang nanawagan sa Tsina na manatiling isang positibong puwersa tungo sa kapayapaan at kaunlaran sa Asia.

Sinabi ng pangalawang pangulo sa mga nangungunang defense at security officials mula sa 23 mga bansang nagsasama-sama sa Harvard University Kennedy School na kahit pa hindi obligado ang America na pumanig sa Pilipinas kung magkaroon ng sigalot sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina, may pananagutan ang Estados Unidos sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty na tulungan at ipagtanggol ang Pilipinas kung ang mga kawal, mga pampasaherong barko at eroplano ay sasalakayin sa mga pook na ito.

Binigyang-diin ni Ginoong Binay na kahit pa hindi siya naniniwala na magkakaroon ng komprontasyon sa pag-itan ng dalawang bansa, makabubuting mapaghandaan ang lahat ng maaaring maganap.

Dapat umanong sumuporta ang mga bansa sa Timog Silangang Asia na magkaroon ng "balance of power" sa rehiyon kung saan susuporta ang Tsina sa kapayapaan at kaunlaran.

Nasa ilalim ng dalawang linggong palatuntunan si Pangalawang Pangulong Binay sa national at international security.

Sa kanyang isang oras na lecture tungkol sa Southeast Asian security, sinabi ni Ginoong Binay na kailangang harapin ng mga bansa sa timog silangang Asia ang China nang magkakasama upang magkaroon ng mga konkretong hakbang tungo sa kapayapaan.

Kahit pa umano nangkaroon ng mga maaaanghang na salita kamakailan, tuloy naman ang pag-uusap ng magkabilang panig.

Ani Ginoong Binay, dadalaw pa si Pangulong Beningo Simeon Aquino sa Tsina sa darating na linggo.

SAMANTALA, makakapanayam ng mga mamamahayag mula sa Tsina si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang tanggapan sa Malacanang. Kabilang sa mga makakadaupang palad ni Pangulong Aquino si Xian Jie ng China Radio International-Filipino Section.

Kabilang sa mga pagkasang pag-uusapan ang mga pananaw ni Pangulong Aquino sa relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas, mga kasunduang magpapalakas sa pagtutulungan at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Sasamahan si Pangulong Aquino ng may 500 mga mangangalakal mula sa mga nangungunang mga kumpanya sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>