Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dumalaw kami sa Tsina upang makipagkalakal

(GMT+08:00) 2011-09-02 18:37:21       CRI

MULA sa Shanghai, sinabi Ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na pabor pa rin sa Tsina ang kalakal sa pag-itan ng dalawang bansa. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga mangangalakal na Filipino at Tsino sa Pudong Shangrila Hotel, sa nakalipas na 35 taon, umabot na sa higit na 2.8 bilyong dolyar ang inilagak na kapital ng mga Filipino sa Tsina samantalang aabot lamang sa 500 milyong dollar ang ginugol ng mga Tsino sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, kayang-kaya ng mga Tsino na maglagak ng kapital sa Pilipinas sapagkat may sapat itong salami at teknolohiya.

Idinagdag pa niya na sa kampanya ng pamahalaan na tapusin at pigilan ang korupsyon, umaasa syang mawawakasan na rin ang kahirapan sapagkat marami nang magkakalakal sa Pilipinas.

Sa panayam kanina, sinabi ni Pangulong Aquino na higit sa kanyang inaasahan ang matatamo ng Pilipinas sa larangan ng kalakal. Tumanggi siyang banggitin ang exact figures ng investments na matatamo ng bansa subalit ipinangako niyang babanggitin niya Ito sa kanyang arrival statement.

Ngayong hapon, dumalaw si Pangulong Aquino sa Liwayway China Co., Ltd., na gumagawa ng iba't ibang snack foods para sa mga kabataan. Sinalubong si Ginoong Aquino ng may apat na libong mga kawani at mga mag-aaral mula sa mga kalapit na paaralang bayan. Sa kanilang pasilidad sa Shanghai, 38 ang mga Pilipino na may managerial positions.

Mula sa pabrikang itinatag noong 1993, lumago na sa 14 na pabrika ang kanilang naitayo sa buong China. Gumagawa sila ng mga matatamis at malasang merienda,potato chips,confectionaries at mga inumin.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>