Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang deadlock sa negosasyon ng pamahalaan at MILF

(GMT+08:00) 2011-09-05 18:45:42       CRI

BAGAMA'T hindi matatanggap ng Central Committee ng Moro Islamic Liberation Front and panukala ng pamahalaan bilang "framework" ng mga susunod na negosasyon, sinabi ni MILF Chairman Al-haj Murad Ebrahim na walang anumang "deadlock" sa negosasyon at sila'y naghahanda ng mga panukala upang mapabilis ang pag-uusap ng pamahalaan at ng kanyang grupo.

Ito ang kanyang naging pahayag sa isang press conferece sa Camp Darapanan sa Maguindanao kaninang umaga na dinaluhan ng mga mamamahayag mula sa iba't ibang news agency na nag-aabang ng mga magaganap sa pag-itan ng pamahalaan at ng MILF.

Ang panukala, ayon kay Ginoong Ebrahim, ay may kinalaman sa proseso na kinabibilangan ng pagparoo't parito ng namamagitan sa dalawang grupo upang mabawasan ang hindi pagsangayon ng bawa't isa sa mga panukalang inilahad na.

Imumungkahi umano ng mga MILF sa pamahalaan sa pamamagitan ng Malaysian facilitator, na i-urong muna ang nakatakdang pag-uusap at hilingin sa Malaysian facilitator na magtungo sa bansa at gawin ang pagdalaw sa magkakabilang panig na maituturing na isang "diplomatic effort" na maglalapit sa magkabilang panig. Ang facilitator din ang inaasahang maglalapit sa dalawang hiwalay na panukala ng pamahalaan at ng MILF.

Samantalang naniniwala si Ginoong Ebrahim sa katapatan ni Pangulong Aquino na mayroong "political will" upang makatulong hindi lamang sa mga Bangsamoro kungdi sa buong bansa, napuna niya na hindi pa desidido ang pamahalaang lutasin ang problema nilang mga Bangsamoro.

TINIYAK naman ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na desidido ang pamahalaang labanan at sugpuin ang "graft and corruption" sa bansa. Ito ang kanyang mensahe sa pakikipagpulong sa mga kabilang sa Joint Foreign Chambers of Commerce of the Philippines na dumalaw sa kanyang tanggapan kaninang umaga.

Itinanong ni Ginoong Binay sa mga mangangalakal na mula sa iba't ibang bansa kung ano ang mga problemang kinakaharap nila ngayon at nangunguna pa rin umano ang corruption at sinusundan ng kawalan ng kasiguruhan ng economic provisions at kawalan ng continunity ng economic policies. Sinabi ni Ginoong Binay na ang tatlong ito'y inaasikaso ng kasalukuyang pamahalaan.

Pinuri niya ang Integrity Summit na binuo ng European Chamber of Commerce in the Philippines at ng Makati Business Club upang tugunan ng corruption sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>