Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, huhupa na

(GMT+08:00) 2011-09-06 18:48:38       CRI

Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na umaasa siyang magpapatuloy nang humupa at huhupa ang tension sa pag-itan ng Tsina at Pilipinas kasunod ng limang araw na state visit ni Pangulong Aquino sa Tsina noong nakalipas na linggo.

Magugunitang lumagda sa isang joint statement sina Pangulong Aquino at Pangulong Hu Jintao na nangangakong isusulong ang mapayapang pag-uusap upang matugunan ang hindi pagkakaunawaan tungkol sa South China Sea.

Ani ni Ginoong Gazmin, sa pagkakaroon ng ganitong pahayag, humupa na ang tension sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang pahayag ni Kalihim Gazmin sa isang chance interview kaninang umaga. Umaasa rin siya na nagkaroon ng goodwill sa pagdalaw ng Pangulong Aquino sa Tsina noong nakalipas na linggo.

Darating na sa mga susunod na araw ang negosyador na nagmula sa Malaysia upang tumulong sa pamahalaan sa pakikipag-usap nito sa Moro Islamic Liberation Front. Ito ang pinakahuling balita mula sa Malacanang.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ramon Carandang, umaasa silang sa pagdating ng negosyador mula sa Malaysia ay malulutas ang mga 'di pagkakaunawaan at magbabalik ang magkabilang panig sa negotiating table.

Samantalang naibigay na ng pamahalaan ang kanilang proposal sa MILF, sinabi ng MILF panel na pinayuhan na nila ang Central Committee na huwag na huwag itong tanggapin.

Kahit pa umano ganito ang situwasyon, magpapatuloy pa rin ang pamahalaan sa pagsusulong ng peace process.

Niliwanag ni Ginoong Carandang na hindi agad malulutas ang mga isyung ito sa madaliang panahon o ng isang pagpupulong at naniniwala siya isang matagal na proseso ang kailangan. Ang mahalaga, ayon kay Ginoong Carandang ay desidido ang magkabilang panig na isulong ang peace talks.

Noong nakalipas na buwan, nakausap ni Pangulong Aquino si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa Tokyo bilang pagpapakita ng katapatan ng pamahalaang maisulong ang kapayapaan sa Mindanao.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>