Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga manggagawang Pinoy, puwede na sa Iraq at Afghanistan

(GMT+08:00) 2011-09-07 17:39:59       CRI

SUMANG-AYON na ang Philippine Overseas Employment Administration Governing Board na magtrabaho ang mga Pinoy sa Iraq at Afghanistan at maging sa mga nasa loob ng American military camps and facilities upang matapos na rin nila ang kanilang mga kontrata.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz, pinahihintulutan na nila ang mga manggagawa base sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs.

Payag na ang POEA sa mga may mga kontrata sa Iraq at Afghanistan at mga pasilidad ng Estados Unidos na tapusin ang kanilang mga kontrata at may pahintulot na rin kung magkakaroon ito ng onsite renewal. Nangangahulugan ito ng partial lifting ng ban o pagbabawal na magtrabaho sa Iraq at Afghanistan sa isang resolusyon na inilabas kamakailan. Sinuspinde ng POEA government board ang pagpoproseso at deployment ng mga mangagagawa sa Iraq at Afghanistan dahilan sa kawalan ng katiyakan sa katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan doon.

NAGPALABAS na ang pamahalaang Pilipino ng P 4.95 bilyon o Y 825,000,000 upang madagdagan ang mga kasangkapan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at maipagtanggol ang nasasakupan nito, kabilang na ang sinasabing "existing and potential" petroleum-producing areas sa South China Sea.

Ayon kay Budget and Management Secretary Florencio Abad, ang P 2.65 bilyon ay gagamitin upang makabili ng isa pang cutter at tatlong helicopters para sa Hukbpong Dagat ng Pilipinas at P 2.3 bilyon upang makabili ng tatlo pang helicopters para sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.

Gagamitin umano ito bilang pananggalang sa Malampaya natural gas and power project, dagdag pa ni Ginoong Abad.

Ang pagpapalabas ng salaping ito ay kasunod ng P 423 milyon na ibinili ng Hamilton class mula sa US Coast Guard.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>