Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, humupa ayon sa Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2011-09-10 19:21:44       CRI

NABAWASAN na ang tension sa pag-itan ng Tsina at Pilipinas sa pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kalapit-bansa noong nakalipas na linggo. Ito ang pahayag ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sa isang exclusive na panayam ng China Radio International – Filipino Section at CBCP Media Office.

Sinabi ni Ginoong Binay na nakatitiyak din siyang matatamo ng Pilipinas ang may $ 1.3 bilyon halaga ng kalakal mula sa Tsina. Magugunitang dumalaw sa Beijing, sa Shanghai at Xiamen si Pangulong Aquino mula noong ika-30 ng Agosto hanggang ikatlo ng Setyembre at nagsalita sa tatlong pagtitipon ng mga mangangalakal mula sa Tsina at Pilipinas.

Nagkaroon din sila ng taimtim na pag-uusap sina Pangulong Aquino, Pangulong Hu Jintao at dalawa pang matataas ng pinuno ng Tsina.

MULA sa Malacanang, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sampung taon matapos ang pananalakay sa New York City at Washington, D. C., taimtim na ginugunita ng daigdig ang pagkasawi ng maraming mamamayan mula sa iba't ibang bansa sa Estados Unidos.

Nakikiisa ang mga Pilipino sa buong daigdig sa paggunita sa kabayanihan ng maraming mamamayan noong ika-labing isa ng Setyembre, 2001. Higit sa lahat, ayon kay Binibibing Valte, ang araw na ito ang naging daan para sa lahat ng mga bansa at mga mamamayan na mangakong gagawin ang lahat tungo sa kapayapaan at kaayusan ayon sa paggalang sa isa't isa at pag-uusap sa pagitan ng mga kultura at mga pananampalataya.

SA KABILANG DAKO, sinabi naman ni Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr. na kailangan ng susugan ng Congreso ang mga nilalaman ng Human Security Act of 2007 upang maisulong ang anti-terrorism campaign ng pamahalaan, mapalakas ang paghahabla ng mga pinaghihinalaang mga terorista at matugunan ang posibleng pag-abuso ng ilang mga autoridad.

Si Executive Secretary Ochoa, Jr. ang chairman ng Anti-Terrorism Council ang nagsabi na sa oras na masusugan ang kasalukuyang batas, higit na magkakangipin ito at makatutugon din sa mga nilagdaang international agreements at mga batas ng Pilipinas.

Kinikala ng pamahalaan ang terorismo na nananatiling peligro sa bansa kaya't kailangang maging mapagbantay ang mga mamamamayan, ayon kay Ginoong Ochoa. Idinagdag niya na sa kanilang pagbabalik-aral sa batas, nakita nila ang pangangailangang mapalakas ang batas upang makatugon sa hamon ng mga terorista.

Isa ito sa mga hinihiling ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa Congreso ayon sa kanyang priority measures na pinag-usapan sa Joint Legislative-Executive Development Council, tulad na rin ng pagsasaayos ng Revised Penal Code.

Sa ilalim ng batas, ang terorismo ay mapaparusahan ng pagkakabilanggo ng 40 taon nang walang parole. Dapat umanong alisin ang bahagi ng batas na nag-uutos sa mga autoridad na sabihan ang mga pinaghihinalaang mga terorista na sila'y isinasailalim ng surveillance at ang kanilang mga deposito sa bangko ay mabubuksan sa pagsisiyasat. Hinihiling din ni Ginoong Ochoa na alisin ang pagbabawal sa pagpapatupad ng batas isang buwan bago sumapit at dalawang buwan matapos ang halalan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>