Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tuloy ang halalan sa autonomous region of Muslim Mindanao

(GMT+08:00) 2011-09-13 17:36:05       CRI

Nagdesisyon ang Korte Suprema at pinagbawalan ang pamahalaang ipatupad ang nilalaman ng Republic Act 10153 na nagsasabay ng halalan para sa Autonomous Region of Muslim Mindanao sa halalang nakatakda sa taong 2013.

Nagkaroon ng walong mahisradong bumuo ng mayorya, apat ang hindi sumang-ayon sa desisyon at dalawang mahistrado ang nakabaskasyon. Mayroong isang bakanteng posisyon sa Korte Suprema ngayon.

Pinagbawalan din ng Korte Suprema ang executive department na humirang ng officer-in-charge na mangangasiwa sa isa sa pinakamahirap na rehiyon sa Pilipinas. Ito ang nabatid sa isang press briefing ng tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Midas Marquez.

Sa panig ng Commission on Elections, sinabi ni Commissioner Rene Sarmiento sa China Radio International na kailangang paghandaan nila ang halalang mangangailangan ng anim na buwan mula sa unang araw ng Oktubre ng taong ito. Unang nakatakda ang halalan noong Agosto ocho ng taong 2011. Mangangailangan umano ang Comelec ng ilang buwan upang magkaroon ng automated elections sa ARMM. Kung susundin ang nilalaman ng Republic Act 9369 na nagsasabing dapat automated ang halalan, maaaring maganap ang halalan sa Marso o Abril 2012, depende sa desisyon ng Comelec en banc.

Niliwanag niyang kailangan talagang paghandaan ang halalang ito. Nang itanong ng CRI kung kakayaning makatugon ng Commission on Elections, sinabi niyang kakayahin naman.

Ayon naman kay Ginang Henrietta Tambunting De Villa, chairperson ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, kailanma'y hindi siya sang-ayon sa postponement ng halalan sa ARMM lalo't higit na ito'y lalabag sa Organic Act na pinaka-alituntunin ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Itinanong pa ni Ginang De Villa kung bakit laging ang pamahalaan sa Maynila ang nasusunod samantalang mayroon namang autonomy ang Muslim Mindanao.

Paghahandaan din ng PPCRV ang darating na halalan sa ARMM sa oras na magkaroon na ng takdang petsa.

Makakarahap ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III angmga kinatawan ng transport sector upang pakinggan ang kanilang mga saloobin dala ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, magaganap ang pagpupulong bukas. Hindi umano nagpatawag ng pulong ang pangulo upang pigilan ang napipintong pagwewelga ng mga tsuper sa buong bansa.

Idinagdag ni Ginoong Lacierda na aalamin muna ng pamahalaan ang kalalabasan ng dayalogo bukas at kung ayaw magpaawat ng mga tsuper, bahala na sila sa kahihinatnan ng kanilang gagawin. Bukas umano ang Palasyo sa pag-uusap.

Nagbigay ng babala si Ginoong Lacierda na kung itutuloy ng mga tsuper ang kanilang welga, mawawalan sila ng prangkisang magsakay ng mga pasahero sapagkat mahigpit na ipinagbabawal ang pagwewelga ng mga sasakayang pangpubliko.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>