Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga magsasaka ng timog-silangang asya, nagpupulong

(GMT+08:00) 2011-09-19 17:39:31       CRI

NAGSIMULA na ang apat na araw na pagpupulong ng mga magsasakang nagmula saTimog-Silangang Asya upang pag-usapan ang mahahalagang paksa at magbahaginan ng mga karanasan sa larangan ng "sustainable agriculture."

Ayon kay Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat of Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, layunin ng kalakhang lipunan na wakasan ang kahirapan, lalo na sa mga kanayunan ng Timog-Silangang Asya sapagkat kahit umano nasa Asia-Pacific region ang pinakamasiglang ekonomiya, matatagpuan pa rin ang may 62% ng mga kulang sa tamang sustansya ng pagkain.

Isa umano sa mga dahilan ng kahirapan ay ang kawalan ng tamangpagkain, kawalan ng lupang masasaka, kakaibang economic policy framework at pagkapinsala ng kalikasan.

Pinuna ni Fr. Gariguez ang pagsasakang umaasa sa mga pataba at pestisidyong mga kemikal na pumipinsala sa kalikasan at kabuhayan ng mga magsasaka.

Binanggit din niya ang kahalagahan ng pag-aaral na ginawa ni Ginoong Olivier De Shutter, ang UN Special Rapporteur on the Right to Food na ang pagbabago ng sistema ng pagsasaka tungo sa agroecology o sustainable agriculture ang makapagpapasigla sa produksyon at hanapbuhay ng mahihirap. Garantisado umano ang magandang kabuhayan sa loob ng sampung taon sa paggamit ng sustainable agriculture.

Kabilang sa mga kalahok sa pagpupulong ang mga magsasaka ng Cambodia, Indonesia, Hongkong China, Mongolia, Thailang, Korea, Myanmar at Vietnam. Magbabahagi rin ng kanilang karanasan ang mga magsasaka ng Bangladesh, Pakistan, India, Sri Lanka at Nepal.

Bukas ng tanghali ay magtutungo ang mga panauhin sa Butuan City, sa Mindanao upang makadaupang-palan at mamasdan ang sustainable agriculture practices ng mga magsasaka doon. Magtatapos ang pagpupulong sa darating na Huwebes, ika-22 ng Setyembre.

Pangulong aquino, naglalakbay na patungong estados unidos

UMALIS na kagabi , pasado alas dies ng gabi si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungong Estados Unidos sa imbitasyon ni Pangulong Barack Obama at ni Brazilian President Dilma Rousseff upang dumalo sa Open Government Partnership.

Sa kanyang pahayag bago sumakay ng eroplano, sinabi ni Pangulong Aquino na maipagmamalaki ng Pilipinas sa buong daigdig ang tagumpay na natamo dahilan sa pagtitiwala mula sa mga mamamayan na naging susi tungo sa maunlad na ekonomiya.

Umaasa rin si Pangulong Aquino na maraming maiuuwing magandang balita sa mga mamamayan. Makakausap din niya ang mga negosyante at kukumbinsihing niyang magnegosyo sa Pilipinas.

Ipangangako rin niyang magiging patas ang pamahalaan sa mga negosyante.

PAYAPA pa rin ang Metro Manila kahit pa nagdeklara ng welga ang mga tsuper ng jeep bilang protesta sa mataas na presyo ng gasoline. Ito ang ibinalita ng Philippine National Police hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

Naglabas ng may 5000 pulisya ang Philippine National Police upang pangalagaan ang Metro Manila samantalang naglabas naman ng mga truck ang Armed Forces of the Philippines upang isakay ang mga pasaherong walang masakyan dahilan sa transport strike.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>