![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kuwento ni Mato:
Si Masami Shigematsu o "Mato" ay isinilang at lumaki sa Maynila. Maaga siyang nagkatrabaho at sa kasalukuyan siya ay namamasukan bilang kahera ng isang fun house sa lugar na malapit sa kanilang tinitirahan sa pandacan.
Natutuhan niyang makinig sa mga program ng CRI Serbisyo Filipino sa impluwensiya ng mga kaibigan. Datapuwa't minsan-minsan lamang siyang nakikinig sa radyo, regular naman siyang bumibisita sa website ng Serbisyo Filipino at regular na nakikinig sa Online Radio nito.
Sabi niya, ang pakikinig sa CRI Serbisyo Filipino ay isang paraan para malaman ang mga bagay-bagay hinggil sa China, na kanyang hinahangaan at pangarap na mapuntahan. Si Masami ay nakikinig na sa CRI Serbisyo Filipino sapul pa noong 2009.
Ilang mensaheng ipinadala ni Mato:
"Hi, Kuya Ramon! Xi'an at Lhasa ang choice ko sa inyong city ranking program. Gusto kong makita personally iyung terra cotta warriors at maranasan buhay ng mga Tibetan."
"Sinundan ko discussion niyo hinggil sa traditional Chinese opera. Na-enjoy ko ang inyong discussion pati background music. Totoong malalim ang kulturang Tsino at nagpapasalamat ako sa pagbibigay niyo sa amin ng mahalagang impormasyon."
"Maganda iyong lagi niyong sinasabi na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Ang kaso nga lang, baka wala nang ganyan ngayon. Nagiging barbaro na kasi mga tao."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |