Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdalaw sa Japan, magsusulong ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa

(GMT+08:00) 2011-09-22 18:45:50       CRI

 I:

PAGDALAW SA JAPAN, MAGSUSULONG NG MAGANDANG RELASYON SA PAGITAN NG DALAWANG BANSA

MULA sa Department of Foreign Affairs, ang official working visit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Japan mula sa ika-25 hanggang ika-28 ng Setyembre ay sa paanyaya ng pamahalaang Hapones.

Makakaharap ni Pangulong Aquino si Emperador Akihito na siyang magpapatanghalian sa delegasyon mula sa Pilipinas. Makakaharap din niya si Prime Minister Yoshihiko Noda upang pag-usapan ang pagsusulong ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Dadalo rin siya sa isang business forum kasama ang mga nangungunang mangangalakal ng Japan. Magsasalita rin siya sa Filipino Community sa Tokyo at sa Miyagi, isa sa mga prefecture sa hilagang silangang Japan na naapektuhan ng malakas na lindol noong nakalipas na Marso.

Higit umanong titibay ang relasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.

II: MGA OBISPO, NANAWAGAN KAY PANGULONG AQUINO

HUMINGI ng tulong ang siyam na obispong nagmumula sa Bikol Region sa ngalan ng mga mangingisdang nawawalan ng hanapbuhay dahilan sa pagpasok ng malalaking pamalakaya sa Ragay Gulf at sa Burias Pass. Sa liham na ipinadala kay Pangulong Aquino, sinabi ng mga obispo sa pamumuno ni Arzobispo Leonardo Z. Legazpi ng Arkedioyosesis ng Caceres, na kailangang ipatupad ang batas na nagbabawal sa mga malalaking pangisdaan sa pumasok sa mga tubigang pag-aari ng mga maliliit na bayan.

May batas na ipinatutupad sa Pilipinas na nagbabawal sa mga malalaking pangisdaan na pumasok sa mga karagatang pinagkukunan ng isda at hanapbuhay ng mga maliliit na mangingisda. Lubha umanong mapaminsala ang mga paraan ng malalaking kumpanya at nakasisira pa sa kalikasan.

Idinagdag ng mga obispo na wala na halos matirang isda para sa mga mangingisdang maliliit ang mga bangka at walang laban sa mga makabagong kagamitan ng malalaking kumpanya sa Pilipinas.

III: PILIPINAS, NAGHAHANDA NA PARA SA PANDAIGDIGANG PAGPUPULONG

PINAGHAHANDAAN na ng Pilipinas ang paglahok sa United Nations Conference on Sustainable Development o ang Rio + 20 Conference na idaraos sa Rio de Janeiro, Brazil mula Hunyo a-kwatro hanggang a-seis sa taong 2012.

Ang Philippine Council for Sustainable Development ay lalahok sa ika-20 anibersaryo ng 1992 UN Council for Environment and Development o Rio Earth Summit at layuning magkaroon ng political commitment para sa sustainable development mula sa iba't ibang bansa at magsususri sa kinahinatnan ng Agenda 21 na kumikilala sa mga agwat ng pagpapatupad ng mkga kasunduan sa malakihang mga pagpupulong.

Ang Agenda 21 ay isang malawakang action plan na nananawagan sa mga bansang gumawa ng mga mekanismo upang makabuo at maipatupad ang kanilang sariling agenda for action sa ngalan ng sustainable development.

 

I:

PAGDALAW SA JAPAN, MAGSUSULONG NG MAGANDANG RELASYON SA PAGITAN NG DALAWANG BANSA

MULA sa Department of Foreign Affairs, ang official working visit ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Japan mula sa ika-25 hanggang ika-28 ng Setyembre ay sa paanyaya ng pamahalaang Hapones.

Makakaharap ni Pangulong Aquino si Emperador Akihito na siyang magpapatanghalian sa delegasyon mula sa Pilipinas. Makakaharap din niya si Prime Minister Yoshihiko Noda upang pag-usapan ang pagsusulong ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Dadalo rin siya sa isang business forum kasama ang mga nangungunang mangangalakal ng Japan. Magsasalita rin siya sa Filipino Community sa Tokyo at sa Miyagi, isa sa mga prefecture sa hilagang silangang Japan na naapektuhan ng malakas na lindol noong nakalipas na Marso.

Higit umanong titibay ang relasyon sa pagitan ng Japan at Pilipinas, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.

II:

MGA OBISPO, NANAWAGAN KAY PANGULONG AQUINO

HUMINGI ng tulong ang siyam na obispong nagmumula sa Bikol Region sa ngalan ng mga mangingisdang nawawalan ng hanapbuhay dahilan sa pagpasok ng malalaking pamalakaya sa Ragay Gulf at sa Burias Pass. Sa liham na ipinadala kay Pangulong Aquino, sinabi ng mga obispo sa pamumuno ni Arzobispo Leonardo Z. Legazpi ng Arkedioyosesis ng Caceres, na kailangang ipatupad ang batas na nagbabawal sa mga malalaking pangisdaan sa pumasok sa mga tubigang pag-aari ng mga maliliit na bayan.

May batas na ipinatutupad sa Pilipinas na nagbabawal sa mga malalaking pangisdaan na pumasok sa mga karagatang pinagkukunan ng isda at hanapbuhay ng mga maliliit na mangingisda. Lubha umanong mapaminsala ang mga paraan ng malalaking kumpanya at nakasisira pa sa kalikasan.

Idinagdag ng mga obispo na wala na halos matirang isda para sa mga mangingisdang maliliit ang mga bangka at walang laban sa mga makabagong kagamitan ng malalaking kumpanya sa Pilipinas.

III:

PILIPINAS, NAGHAHANDA NA PARA SA PANDAIGDIGANG PAGPUPULONG

PINAGHAHANDAAN na ng Pilipinas ang paglahok sa United Nations Conference on Sustainable Development o ang Rio + 20 Conference na idaraos sa Rio de Janeiro, Brazil mula Hunyo a-kwatro hanggang a-seis sa taong 2012.

Ang Philippine Council for Sustainable Development ay lalahok sa ika-20 anibersaryo ng 1992 UN Council for Environment and Development o Rio Earth Summit at layuning magkaroon ng political commitment para sa sustainable development mula sa iba't ibang bansa at magsususri sa kinahinatnan ng Agenda 21 na kumikilala sa mga agwat ng pagpapatupad ng mkga kasunduan sa malakihang mga pagpupulong.

Ang Agenda 21 ay isang malawakang action plan na nananawagan sa mga bansang gumawa ng mga mekanismo upang makabuo at maipatupad ang kanilang sariling agenda for action sa ngalan ng sustainable development.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>