|
||||||||
|
||
Heavenly State, Country of Heaven o Land of Abundance (天府之国) kung tawagin ang Chengdu City, Kapital ng Probinsyang Sichuan. Ang Chengdu ay nasa kanluran ng Sichuan Basin at nasa gitna ng Chengdu Plain na may kabuuang laki na 12.3 libong kilometro kuwadrado na may populasyon na mahigit 14 milyon. Maliban sa hindi mapagkakailang ganda ng mga tanawin dito at matabang lupa, ang Chengdu din ay kilalang tirahan ng mga naglalakihang mga cute na panda, kaya ito natawag na Land of Abundance.
May mahabang kasaysayan ang syudad ng Chengdu na nagsimula pa noong 206BC. Ngunit ang pangalang "Chengdu" ay nanatili pa din mula sa pinaka-unang kahariang namuno dito hanggang sa kasalukuyan.
Madaming turista ang dumarayo dito bawat taon dahil sa mga tourist spots na talaga namang nakakabighani at nararapat lamang dayuhin sa pagpunta sa Chengdu, lalong lalo na sa mga turistang nanggaling pa sa mga malalayong bansa.
Punong puno ng ilaw ang syudad ng Chengdu sa kingabihan
Ang Chengdu ay isa sa mga importanteng lungsod para sentro ng ekonomiya, transportasyon at komunikasyon sa kanlurang bahagi ng Tsina. At noong 2007, napasama ang syudad na ito sa top ten list ng Best Chinese Cities para mamuhunan. May 133 na multinational na kumpanya ang naitala noong 2009 na kasama sa listahan ng 500 pinakamalaking kumpanya sa buong mundo ang nagtayo ng opisina sa Chengdu.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |