Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Binay, nagpasalamat sa desisyon ng hukuman hinggil sa mga manggagawang Pinoy

(GMT+08:00) 2011-09-30 17:40:54       CRI

NAGPASALAMAT si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na siya ring Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concerns sa desisyon ng isang hukuman sa Hong Kong na kumikilala sa karapatan ng isang manggagawang banyagang maging isang permanent resident ng lungsod.

"Ang desisyong ito'y isang hakbang sa pagkilala ng mga karapatan ng mga migrante. Nakatulong din naman ang mga manggagawang mula sa ibang bansa sa ekomoniya ng kanilang bansang pinaglilingkuran at ang desisyong ito'y kumikilala sa kanilang mga nai-ambag," sabi ni Ginoong Binay.

Nagdesisyon si Judge Johnson Lam Man-hon na pumabor kay Evangeline Banao Vallejos at nagsabing ang ordinansa na humahadlang sa mga banyagang domestic workers na magkaroon ng permanent residency sa Hong Kong ay taliwas sa kanilang Saligang Batas.

Naglingkod na si Vallejos sa Hong Kong mula pa noong 1986 bilang isang kasambahay at nag-file ng application for residency noong 2008. Kung siya ay ibang foreign worker tulad ng banker, abogado o guro, automatiko niyang matatanggap ang permanent residency sa loob ng pitong taon. Subalit nagpasa ng ibang ordinansa ang Hong Kong at nagsabing hindi kasama sa biyayang ito ang mga domestic workers.

Ang permanent residency sa Hong Kong ay nangangahulugan na ang isang tao ay maaaring magtagal sa pook ng hanggang gusto niya at hindi maaaring ipatapon ayon sa Saligang Batas. May karapatan na rin silang bumuto at kumandidato.

Ang itinakdang minimum wage para sa domestic helpers at $ 3,470 HK o aabot sa US $ 480 kabilang na ang room and board.

Ayon sa mga human rights advocates ang desisyong papabor kay Vallejos ang unang hakbang upang buwagin ang kalakarang nagmamaliit sa mga domestic workers. Maaring umabot sa 270,000 mga domestic helpers ang magkaroon ng karapatang mag-apply para sa permanent residency.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>