Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   
Pagbabago ng saligang batas, baka humigit pa sa economic provisions

(GMT+08:00) 2011-10-08 17:06:24       CRI

I:PAGBABAGO NG SALIGANG BATAS, BAKA HUMIGIT PA SA ECONOMIC PROVISIONS

NAGPA-ABOT ng kanyang pagaagam-agam si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na ang alinmang pagbabago sa Saligang Batas ay posibleng maging daan sa pagbabagong hihigit sa economic provisions.

Samantalang tinitiyak ng mga autoridad na itutuoon lamang ang pansin sa economic provisions sa pagbabago ng Saligang Batas, sinabi ni Pangalawang Pangulong Binay na baka lumampas sa pagbabagong gagawin.

Ani Ginoong Binay, kahit na si Pangulong Aquino III ay malamig sa pagpapalit ng Saligang Batas at naringgang nagsabi na wala ito sa kanyang mga prayroridad.

Ipinaliwanag din ni Ginoong Binay na bahala na umano ang Kongreso sapagkat nagkasundo ang mga pinuno nito na susugan ang Saligang Batas lalo na ang pag-aalis ng 60-40% equity limitations sa mga banyagang gustong mangapital sa Pilipinas.

II:SAKUNA SA FREEPORT, IPINASISIYASAT NA

IPINASISIYASAT na ng Malacanang ang sakunang naganap kahapon sa Keppel Shipyard sa Subic, Zambales na ikinasawi ng limang manggagawa.

Mayroon umanong sapat na safety standards na dapat sundin. Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ipasisiyasat na sa Department of Labor and Employment ang insidente.

Ayon sa pulisya, inaayos ng mga manggagawa ang MV Tombarra, ang isang malaking container ship na maaaring magkarga ng animnalibo't tatlong daan at limampung mga kotse ng bumagsak ang steel platform sa Subic Shipyard and Engineering, Inc. Pinatatakbo ng Keppel Shipyard Limited ang kumpanya.

Hindi pa nakikilala ang mga sinamang-palad na mga manggagawa samantalang hindi pa nasasabihan ang mga kamag-anak.

III:KALIHIM NG KALUSUGAN, NAGBABALA SA MGA BINAHA

PINAALALAHANAN ni Dr. Enrique Ona ang mga mamamayan na binaha na bantayan ang sintomas ng leptospirosis at dumulog sa pinakamalapit na health center upang magpatingin. Tumataas na umano ang bilang ng mga may sakit na ito.

Mula noong Enero hanggang sa huling linggo ng Setyembre, higit na sa dalawang libo ang kaso ng leptospirosis at mas mataas ng halos dalawang-daang porsiyento noong nakalipas na taon (699 cases). Umabot na rin sa 156 ang nasasawi sa karamdamang ito.

Ipinaliwanag ni Kalihim Ona na ang karamdamang ito'y naililipat sa tao mula sa tubig na may ihi ng daga na tumatama sa sugat, sa mata o sa ilong at maging sa bibig.

Karamihan ng naitalang biktima ay nagmula sa Kanlurang Bisaya, sinundan ng Metro Manila, Gitnang Luzon at Davao. Karamihan ng mga biktima ay kalalakihan na ang edad ay mula 20 hanggang 29.

Kabilang sa mga sintomas ay ang mataas na lagnat, panglalamig at matinding sakit ng ulo na nararamdaman mula apat hanggang labing-apat na araw matapos dumaan sa tubig baha at maging sa putik. Maaari ding mamula ang mga mata, manilaw ang balat at magkulay tsaa ang ihi. Sa matitinding pagkakataon, nauuwi ito sa meningitis, renal failure at respiratory distress na nagtatapos sa kamatayan ng pasyente.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>