Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Apat na tauhan ng bureau of jail managament ang penology, pinalaya na ng mga rebelde

(GMT+08:00) 2011-10-09 18:43:48       CRI

I:APAT NA TAUHAN NG BUREAU OF JAIL MANAGAMENT ANG PENOLOGY, PINALAYA NA NG MGA REBELDE

PINALAYA kahapon ng mga pinuno ng National Democratic Front sa Timog Mindanao sina Jail Inspector 1 Rogelio Begontes, Jail Inspector 1 Rolando Delta Bajoyo, Jr., Jail Warden Ericho Dacillo Llamasares at Jail Warden Murphy Bomoway Todyog matapos ang isinagawang pagsisiyasat ng mga kabilang sa New People's Army.

Magugunitang nadakip ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ng mga NPA sa isang rescue operation noong nakalipas na a-21 ng Hulyo samantalang dinadala ang isang lider ng mga rebelde patungo sa Davao Penal Colony. Pagsapit ng mga tauhan ng BJMP sa isang barangay sa Bukidnon, isang check point ang isinagawa ng mga NPA at iniligtas ang kanilang kasamahan.

Lumiham ang mga kamag-anak ng mga tauhan ng BJMP kay Atty. Persida V. Rueda Acosta, ang Chief Public Attorney, at humingi ng tulong. Matapos ang koordinasyon sa mga kasapi sa New People's Army, National Democratic Front at Coimmunist Party of the Philippines, pinalaya sa isang pook sa Timog Mindanao ang apat na opisyal.

Nagpasalamat si Atty. Acosta sa lahat ng tumulong upang mapalaya ang mga binihag ng mga NPA. Sa panayam ng China Radio International-Filipino Section, sinabi ni Atty. Acosta na umaasa siyang matatapos din ang pag-uusap ng mga rebelde at ng pamahalaan upang magkaroon ng tigil-putukan samantalang may peace negotiations na nagaganap. Malaking tulong umano ang pagpapalaya sa apat na bihag sa confidence-building measures ng magkabilang panig.

II:NAMAYAPA NA, DATING TAGAPAGSALITA NG NEW PEOPLE'S ARMY

ANG dating tagapagsalita ng New People's Army na si Gregorio Rosal na kilala sa pangalang "Ka Roger" ay namayapa na ayon sa website ng Partido Komunista ng Pilipinas ngayong araw na ito.

Ang website ng Communist Party of the Philippines (www.philippinerevolution.net) ay naglathala ng isang iginuhit na larawan ni Ginoong Rosal na matagal na naglingkod bilang tagapagsalita ng samahan. Nasa itaas ng kanyang larawan ang mga katagang "Gregorio 'Ka Roger' Rosal, 1947-2011".

Walang ibinigay na detalyes tungkol sa pagpanaw ni Ginoong Rosal. Nauna nang ibinalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na naniniwala silang namayapa na ang dating tagapagsalita dahilan sa malubhang karamdaman subalit wala naming natagpuang bangkay at naibigay na iba pang mga impormasyon.

Nagkaroon ako ng ilang pagkakataong makadaupang-palad si Ginoong Rosal sa kanyang pinagkukutaan mga ilang taon na ang nakalilipas.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>