Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cocowater business, malaki ang potensyal sa Quezon

(GMT+08:00) 2011-10-10 17:19:17       CRI

MULA sa Lungsod ng Lucena, interesado ang mga magsasaka at mga kawani ng Provincial Agriculturist's Office sa balitang may potensyal ang kalakal sa tubig ng niyog. Ito ang kanilang reaksyon sa balitang nagmula sa pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Estados Unidos.

Sa panayam kay Ginoong Roberto D. Gajo, provincial agriculturist ng Quezon, isang malaking pagkakataon ito upang higit na makinabang ang mga nagniniyog at gumanda ang kita.

Sinabi ni Ginoong Gajo na pumapangatlo ang Quezon sa mga lalawigang may niyog sa buong bansa. Aniya, nangunguna ang Quezon sa total land area na may niyog sa buong Luzon.

Higit sa 381,614 na ektarya ang may niyog na matatagpuan sa higit sa isang libong barangay. Umaabot umano sa 35 niyog ang karaniwang ibinubunga ng bawat puno bawat taon.

Angat umano ang lalawigan ng Quezon sa ibang pook sapagkat malawak ang kinatatamnan ng niyog na aabot sa 63 milyong puno. Bagaman, 44 na milyon lamang ang namumunga ng maayos at may sampung milyong puno ang hindi na produktibo. May walong milyong puno ang higit na sa 60 taong gulang.

Pasisiglahin nila ang taniman ng niyog sa pamamagitan ng paglalagay ng asin sa mga puno sa loob ng tatlong taon. Magkakaroon din ng masigasig na replanting program upang mapalitan ang mga matatandang puno na hindi na namumunga. Mahigpit na ipinagbabawal na ang paggamit ng coconut lumber ngayon sa lalawigan.

Sa likod ng lahat ng ito, wala pang sapat na impormasyong nakararating sa kanilang kaalaman: kung saan magmumula ang tubig-niyog na kailangan sa ibang bansa. Ito ba'y sa buko o sa ganap nang hinog na bunga sapagkat mayroong pangangailangang mabalanse ang pagpoproseso ng niyog.

Kung magmumula sa buko ang tubig-niyog, maaaring magkaproblema ang 18 coconut oil mills sa lalawigan sapagkat malaki ang kalakal ng lalawigan sa langis na nagmumula sa niyog.

Idinagdag ni Ginoong Gajo na maghihintay sila sa pinakahuling balita mula sa Maynila tungkol sa industriya ng niyog.

MALACANANG, NAGPASALAMAT SA PAGPAPALAYA SA APAT NA TAUHAN NG BJMP

IPINAGPASALAMAT ng Malacanang ang pagpapalaya noong Sabado sa apat na tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology sa Katimugang Mindanao.

Sa panayam ng himpilan ng radyong pag-aari ng pamahalaan, sinabi ni Kalihim Eduardo Lacierda na nagpapasalamat ang Malacanang sa pagpapalaya at makatutulong ito sa confidence-building measures tulad ng binanggit ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda – Acosta sa panayam ng CRI-Filipino Section kahapon.

Nanawagan si Ginoong Lacierda sa mga NPA na huwag nang gumamit ng non-combatants tulad ng mga tauhan ng BJMP sa kanilang mga operasyon laban sa pamahalaan.

Ginunita ni Atty. Acosta ang kanilang paglalakad sa kabundukan ng may tatlo hanggang apat na oras upang mabawi ang mga tauhan ng BJMP. Hindi umano biro ang maglakbay at maglakad sa kaundukan upang mabawi lamang ang mga tauhan ng BJMP mula pa noong Hulyo 21 ng taong ito.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>