Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino lalahok sa "Google-Youtube Worldview Interview Series"

(GMT+08:00) 2011-10-13 19:03:31       CRI

SI Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kauna-unahang pinuno ng bansa sa Asia na lalahok sa "Google-YouTube World View Interview Series" sa darating na ika-apat ng Nobyembre upang makapagtanong ang mga mamamayan ng iba't ibang bansang manonood sa kanya.

Ayon kay Kalihim Ramon A. Carandang, sumang-ayon si Pangulong Aquino na umahok sa interview series na kinatamputkan ng iba't ibang personalidad sa buong daigdig sa live interviews na ihahatid ng YouTube. Ito ang kanyang sinabi sa paglulunsad ng YouTube Philippines sa Lungsod ng Taguig.

Humarap na sa panayam sina Pangulong Barack Obama ng America, Prime Minister David Cameron ng United Kingdom, Prime Minister Jose Luis Rodriguez Zapatero ng Espana sa mga naunang edisyon ng palatuntunan.

Inanyayahan ni Kalihim Carandang ang mga Pilipino sa buong daigdig na lumahok sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga katanungan sa youtube/worldview at bumoto sa mga katanunangang nais nilang sagutin ni Pangulong Aquino mula sa ika-21 ng Oktubre at manood sa pagsasahimpapawid nito sa Nobyembre kwatro.

Mga minerong Canadian, lumisan na sa Romblon

IPINAGPASALAMAT ng mga taga-Tablas Island sa Romblon ang pag-tatapos ng mining exploration application ng Ivanhoe Philippines.

Sa isang liham sa Mines and Geoscineces Bureau noong huling araw ng Setyembre, sinabi ni Leo Deuparine na base sa desisyon ng kanilang board of directors na huwag nang isulong ang kanilang application sapagkat ang Tablas ay isang low priority exploration target for Ivanhoe Philippines at sa pagsalungat ng mga politiko na maipasa ang kanilang application.

Ang Ivanhoe Philippines ay isang sangay ng Ivanhoe Mines ng Canada.

Ayon sa mambabatas na si Eleandro Jesus F. Madrona, ang pagkakaisa ng mga mamamayan at ang paghadlang ng mga taga-Romblon laban sa pagmimina ang nagtapos sa pag-urong ng application for exploration permit ng Ivanhoe Philippines. Ayon sa mambabatas, natanggap niya ang liham ng pag-atras ng Ivanhoe Philippines mula sa Mines and Geosciences Bureau.

Nagkaisa ang lokal na pamahalaan at mga mamamayan kasama ang Simbahang Katolika sa paghadlang sa pagmimina sa Romblon na siyang pinagkukunan ng magagandang marmol.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>