Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Labing-tatlong tsinong turista, nasugatan sa sakuna

(GMT+08:00) 2011-10-14 18:20:21       CRI

border=0>

LABING-TATLONG Tsinong turista at isang Filipino ang nasugatan matapos masangkot sa isang sakuna ang bus na kanilang sinasakyan sa lalawigan ng Aklan kaninang umaga.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima'y sakay ng isang Island Tour bus na nakabangga ng isang trak sa barangay Habanais sa bayan ng Nabas, mga alas seis y media ng umaga.

Ang mga nasugatan ay dinala sa Baptist Hospital sa Caticlan, sa bayan ng Malay.

Sa panayam ng CRI Filipino Section, sinabi ni PNP Region VII Director Chief Supt. Cipriano Querol na kadarating pa lamang ng mga turista mula sa ibang bansa at patungo sa Boracay nang maganap ang sakuna.

Pawang "minor injuries" lamang naman ang natamo ng mga biktima, dagdag pa ni General Querol.

MGA TSINOY, NAG-AMBAG NG P 20 MILYON PARA SA RELIEF PROGRAM

NAGPASALAMAT ang Malacanang sa donasyon ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry na nakadagdag sa salaping inilaan ng pamahalaan para sa rehabilitation at reconstruction efforts ng Department of Social Welfare and Development sa mga pook na tinamaan na magkakasunod na bagyo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ang donasyon ay iniabot ng mga opisyal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry sa pamumuno ng pangulo nitong si Ginoong Tan Ching kay Pangulong Aquino nang dumalaw ang lupon ng mga pinuno ng samahan sa Malacanang kaninang umaga.

Sumaksi sa simpleng seremonya si Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano Soliman, Secretary Lacierda at iba pang pinuno ng pederasyon.

Iniabot din ni Pangulong Aquino ang tseke kay Kalihim Soliman para sa relief, rehabilitation at assistance sa mga naging biktima.

PILIPINAS, HANDANG HUMARAP SA KRISIS

TINIYAK ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga mangangalakal at mga mamamayan ng bansa na handa ang kanyang administrasyong harapin ang krisis na nadarama sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Pruweba umano nito ang kanyang inilunsad na P 72 bilyong pisong magpapasigla sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga pagawaing bayan at poverty alleviation projects dahilan umano sa pagiging masinop ng kanyang pamamahala sa nakalipas na 15 buwan.

Sa kanyang talumpati sa ika-37 Business Congress at Exposition ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kagabi, sinabi ni Ginoong Aquino na natural na mangamba ang marami subalit handa umano ang kanyang administrasyon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng panahon.

Madarama umano kaagad ng mga mamamayan ang salaping papasok sa ekonomiya.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>