|
||||||||
|
||
Kilala ang Chengdu sa mga templong Buddhist at isa na sa mga mabuting naipreserba sa buong Tsina ay ang Wenshu Monastary na sa kasalukuyan ay bahay ng Buddhist Association ng Probinsyang Sichuan.
Ang Wenshu Monastery, naitawag ding Xinxiang Monastery,n na itinayo noong dinastiyang Tang (618-907) ay isa sa pinakabantog na Templo sa Sichuan na may lawak na 60,000 metro kwadrado.
ang malaking silid-aklatan sa loob
Ang pangalang Wenshu ay inihango sa estatwang Wensu, Bodhisattva Manjusri sa Sanskrit, isang estatwang nakatayo sa loob ng templo. Pinaniniwalaang lumiyab ang nasabing estatwa sa mahabang panahon nang sinunog ang katawan ni Cidu, isang monghe na pumunta sa monasteryo at nagtayo ng kanyang bahay at dito naninirahan ng ilang taon hanggang siya ay namatay. Kaya pinaniniwalaan na si Cidu ay ang reinkarnasyon ng Bodhisattva Manjusri.
Iba't ibang makasaysayang relics ang matatagpuan dito. Simula noong dinastiyang Tang hanggang Song, may 500 piraso ng paintings at kaligrapiya na ginuhit ng mga kilalang artist ang nakatago dito.
Thousand Buddha Pagoda
Sa lahat ng importanteng relikya, mayroong ding halos 300 Buddha statues na gawa sa iba't ibang materyales tulad nalang ng tanso, bakal, kahoy, jade at iba pa. Ang mga ito ay nabuo sa iba't ibang panahon/dinastiya.
Kilala din ang Wenshu Monastery sa mga naggagandahang hardin nito at mataimtim na mga bulwagan. Kung naghahanap ka katahimikan o kaya'y nais mo mapagisa, siguradong magugustuhan mo ang lugar na ito. Hindi din kokonte ang mga residente ng Chngdu na dumarayo dito, kalimitan sila ay pumupunta dito upang magkita-kita, uminom ng tsaa habang nakikinig ng musika at iba pa.
May iba nama'y sadyang dumadalaw dito para sa Vegetarian na kainan na matatagpuan sa loob ng Monasteryo. Marami silang putahe na sa litrato palang ay mukhang katakam-takam na. Ang kinaganda sa kainan na ito ay hindi mo mahahalatang gulay o pang-vegetarian ang mga kinakain mo. Karamihan sa kanilang putahe ay gawa sa tokwa, kabute, iba't ibang klaseng gulay, isda at iba pa.
mga buddhang gawa sa iba't ibang materyales mula sa iba't ibang dinastiya
Sulit na sulit talaga ang pagpunta ko dito, dahil akalian niyo sa 5rmb o 35 pesos na entrance fee lamang ay marami ka nang magagawa, marami ka pang makikitang makasaysayan at maaari ka pang magtagal ng ilang oras sa loob. Sakto din ang lugar na ito sa mga taong nais lamang mag-usap sa isang tahimik na lugar habang ineenjoy ang kapaligiran.
Related: Ang "Makipot at Maluwag na Eskinita" sa Chengdu (2011.10.11)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |