Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Preparasyon sa ika-8 CAExpo, todong-todo na (audio report)

(GMT+08:00) 2011-10-20 15:35:18       CRI

Guangxi, Nanning -- Handa na ang lahat para sa paglulunsad bukas ng ika-8 China-ASEAN Exposition o CAExpo. Ito ang ipinahayag ngayong umaga ng pangalawang puno ng grupong tagapagorganisa ng naturang aktibidad.

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Wu Pangfei, Deputy Director ng Organizing Committee ng 8th China-ASEAN Business Investment Summit na preparado na ang lahat para sa paglulunsad ng ika-8 CAExpo bukas at sinigurado niyang ligtas ang magiging pagbubukas nito.

Bagamat hindi siya nagbigay ng detalye dahil sa mahigpit na seguridad na ipinapatupad sa loob at labas ng pagdarausan ng aktibidad, kapansin-pansing ang lahat ay organisado na: makikita na nagkalat sa kapaligiran ang mga kapulisan na matamang nagmamatyag sa kapayapaan, nakahanda na rin ang mga kagamitang pangkomunikasyon at pangmedikal, ang mga technical staff ay isinasagawa na ang mga panghuling preparasyon, at ang bulwagan ay balot na sa pulang karpet at may mga upuan na at iba pang materyal bilang paghihintay sa mga delegado.

Sa trade exposition area naman, handa na rin ang lahat ng mga kalahok mula sa mga bansang ASEAN. Halos lahat ng exposition booths ay nasa ayos na at isinasagawa na lamang ang mga panghuling adjustment para sa pagbubukas.

Sa Philippine Pavillon, nakapanayam ng Serbisyo Filipino ang ilan sa mga exhibitors na kagaya ng Ai-She Footware, Cocowonder, Kalinga Brew, at iba pa. Sinabi nilang sila ay nagagalak sa kanilang pakikilahok at excited na sila sa paglulunsad bukas. Mahigit kumulang sa dalawampu anila ang mga kumpanyang Pilipino ang kalahok sa aktibidad.

Sa kabilang dako, sa kategoryang Charm City, ang pambato ng Pilipinas ay ang Puerto Princesa sa Palawan. Sa pabilyong ito makikita ang mga larawan at iba pang mga promosyonal na materyal hinggil sa naturang lugar. Ito ay naglalayong ipakilala ang Palawan bilang isa sa mga pinakamagandang lugar sa Pilipinas na karapat-dapat bisitahin.

Samantala, ang ika-8 CAExpo ay kasabay din ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng China-ASEAN Dialogue Relationship, at unang anibersaryo ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA. Dahil dito, si Premyer Wen Jiabao ng Tsina ay dadalo sa seremonya ng pagbubukas at inaasahang bibigkas din siya ng paunang salita.

Maliban kay Wen, inaasahan ding dadalo sa pagtitipon ang ibat-ibang matataas na opisyal ng mga bansang ASEAN at Tsina.

Ang theme ng ika-8 CAExpo ay "20 Years Cooperation and Development, Fruitful China-ASEAN Free Trade Area, and Ever-growing China-ASEAN Expo."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>