Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino at mga kapatid, dadalaw na sa puntod ng mga magulang

(GMT+08:00) 2011-10-31 18:14:38       CRI

HINDI na sasabay pa sa maraming mga Pilipino ang pamilya ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagdalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, tulad ng kinagawian ng madla tuwing unang araw ng Nobyembre na tinaguriang Todos los Santos.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, magbibigay galang ang mga Aquino, sampu ng kanilang mga pamilya, ngayong araw na ito sa Manila Memorial Park sa Paranaque City, ngayong bisperas ng Todos los Santos. Nasa naturang himlayan ang mga labi nina yumaong dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino na namayapa noong 2009 at dating Senador Benigno S. Aquino, Jr., ang lider ng oposisyon na pinaslang sa Manila International Airport noong 1983.

Sinabi ni Atty. Valte na isang pribadong pagdalaw ang nais ng pamilya Aquino samantalang nakiusap sa madla na pahintulutan naman ang pamilya na magkaroon ng privacy at kaukulang panahon upang manalangin.

Wala umanong nakatakdang daluhan o gagawin ang Pangulong Aquino hanggang unang araw ng Nobyembre at may mga paperwork na nararapat lamang pagbalik-aralan samantalang nasa Malacanang. Hiihintay din ni Pangulong Aquino ang mga balita mula sa Department of Transportation and Communications, Metro Manila Authority at Philippine National Police lalo't higit bukas at sa tunay na deklaradong All Souls Day – ang ikalawang araw ng Nobyembre.

TEKNOLOHIYA, GAGAMITIN SA MGA PANALANGIN

BUKOD sa tradisyunal na mga panalangin sa bawat pagsapit ng Todos los Santos, hindi na pahuhuli ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggamit ng teknolohiya sapagkat inilunsad na nto ang isang online portal na magbibigay sa mga Pilipino sa buong mundo nang pagkakataong makapagbigay-galang sa kanilang mga minamahal na yumao kahit pa malayo sila sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Sinumulan na kahapon ng CBCP Media Office sa ilalim ng pamumuno ni Msgr. Pedro C. Quitorio, ang online portal na http://undasonline.com ay naglalaman din ng mga pangangaral tungkol sa dalawang mahahalagang araw sa Simbahang Katolika at liturgical messages.

Ayon kay Monsignor Quitorio, layunin ng portal na ito na mapaglingkuran ang mga Pilipinong hindi na makaalis sa kanilang mga tahanan dahilan sa kahinaan ng katawan at ang mga nasa ibang bansa't walang paraan upang dumalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Makatutulong din umano ang portal na ito sa mga magdaragat na Pilipino na aabot sa may 300,000 katao.

Layunin din ng portal na ito na ibalik ang kamulatan at kaalaman ng mga kabataan na mahilig na sa teknolohiya.

Sa panayam, sinabi ni Msgr. Quitorio na maipaliliwanag ng portal na ito ang kahulugan ng All Saints' Day at All Souls Day.

Ang mga prayer intentions na magmumula sa mga magdaragat, mga manggagawang nasa iba't ibang bansa at mga Pilipinong 'di na makaalis ng kanilang mga tahanan at isasama sa mga Misang iaalay sa CBCP Chapel mula sa una hanggang ika-walong araw ng Nobyembre.

Mayroon din itong Facebook account na pinangalanang Usapang Undas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>