Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapadala ng mga manggagawa sa apatnapu't isang bansa, ipinagbawal

(GMT+08:00) 2011-11-02 18:19:48       CRI

HINDI na magpapadala ng mga manggagawa ang Pilipinas sa 41 bansa at mga teritoryo dahilan sa hindi pagbibigay ng angkop na programa upang maipagsanggalang ang mga Pilipino laban sa mga pag-abuso.

Ito ang ipinalabas na resolusyon ng Department of Labor and Employment na inilagay sa kanilang website at nagsabing ang mga bansang ito ay hindi nakalagda sa international conventions na nagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawang mula pa sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Ni wala ring nilagdaang kasunduan ang mga bansang ito sa Pilipinas tungkol sa paggagarantiya ng mga karapatan ng mga manggagawang mula sa ating bansa, ayon sa resolusyon.

Wala rin silang mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa mga banyagang manggagawa. Kabilang sa mga bansang nasa blacklist ay ang Afghanistan, Libya, Iraq, Sudan, Chad at Pakistan.

Walang balita kung ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Aabot sa siyam na milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa ibang bansa. Karamihan sa kanila ay mga kasambahay, manggagawa at magdaragat na karaniwang nagiging biktima ng mga pag-abuso. Marami ring mga Pilipino ang may mataas na posisyon sa mga bansang nasa Europa at America.

Ang mga ipinadadalang salapi ng mga manggagawa mula sa ibang bansa ang siyang nagpapalutang sa ekonomiya ng Pilipinas bagama't karaniwan na ang balitang mga pag-abuso ng employers.

Kahit na mayroong mga pagbabawal, marami pa rin ang nakararating sa magugulong bansa sa pamamagitan ng mga illegal na paraan at minamabuti na nila ito kaysa magkamit ng trabahong mababa ang sahod sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>