Ipinatalastas dito sa Beijing kahapon ni Wu Hailong, asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na dadalo si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa ika-19 na Di-pormal na Pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Hawaii ng Estados Unidos mula bukas hanggang ika-14 ng buwang ito. Umaasa aniya ang panig Tsino na matatamo ng pulong ang positibo at pragmatikong bunga.
Ayon kay Wu, bukod sa pagdalo sa di-pormal na pulong ng mga lider, makikipagtagpo rin ang pangulong Tsino sa mga lider ng mga kasapi ng APEC na gaya ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos.
Salin: Li Feng