|
||||||||
|
||
Ipininid kamakalawa sa Honolulu, Punong lunsod ng Hawaii, Estados Unidos, ang ika-19 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC. Sa prinsipyo ng buong pagkakaisang pagsasanggunian, ipinaabot ng pulong na ito sa daigdig ang maraming mahalagang mensahe.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kasaping bansa ng APEC na napakahalaga ng pagpapalalim ng intergrasyong panrehiyon at pagpapasulong sa liberalisasyon ng pamumuhunan at kalakalan. Ayon sa deklarasyon na ipinalabas ng pulong, nangako ang mga kasaping bansa ng APEC na isagawa ang mga aktuwal na hakbangin para mapasulong ang kabuhayang panrehiyon upang makinabang dito ang lahat ng kasaping bansa.
Inulit ng pulong ang paglaban sa proteksyonismong pangkalakalan, nanawagan sa mga kalahok na miyembro na mararating ang komong palagay hinggil sa paglaban sa proteksyonismong pangkalakalan sa Pulong na Ministeryal ng World Trade Organization sa susunod ng Disyembre, batay sa pangako ng mga kasaping bansa ng APEC. Umaasa ang pulong na isagawa ang aktuwal na aksyon para pigilin ang pagiging pulitikal ng mga isyung pangkabuhayan at pangkalakalan.
Ang green growth ay tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan. Pinagtibay ng pulong ang pahayag hinggil sa environmental products at kalakalang panserbisyo, bagay na nagpapakita ng determinasyon ng APEC hinggil sa pagpapasulong sa liberalisasyon ng environmental products at kalakalang panserbisyo.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |