Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Evening gala ng ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng CRI, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2011-11-30 17:34:54       CRI

Idinaos kagabi sa International Theater of China ang evening gala para ipagdiwang ang ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng China Radio International o CRI. Tumagal ito ng 3 oras, at sa pamamagitan ng iba't ibang porma ng programa, isinalaysay nito ang kasaysayan ng pag-unlad ng CRI, simula nang maitatag ito sa Yan'an cave noong ika-3 ng Disyembre, 1941. Sa ngayon, ang CRI ay isa nang moderno, komprehensibo, at bagong media na nagsasahimpapawid sa pinakamaraming lingwahe at nagbo-brodkas sa pinakadibersipikadong plataporma sa mga tagapakinig sa apat na sulok ng daigdig.

Si Chen Wei (gitna), kinatawan ng mga dating kawani ng CRI

Mahigit 900 guest ang nagsalu-salo sa evening gala na kinabibilangan ng mga embahador ng iba' ibang bansa, mga kinatawan ng mga mass media sa loob at labas ng bansa, mga lider ng CRI, mga dating kawani ng CRI, at kasalukuyang kawaning Tsino at dayuhan ng CRI.

Sina Li Dan, Zhang Zhenhua, dating Presidente ng CRI at Wang Gengnian (gitna), kasalukuyang Presidente ng CRI

Sa evening gala, opisyal na sinimulang tumakbo ang ika-70 overseas radio station, China International Broadcasting Network o CIBN, at T and D Video. Hinggil dito, sinabi ni Wang Gengnian, Presidente ng CRI, na:

"Ang CIBN ay isang bagong simula para sa CRI, ito rin ang bagong pananaliksik ng CRI para mapabilis ang pagpapabago ng media. Sa kasalukuyan, ang pinakamabisang komunikasyong pandaigdig ay multimedia, multi-language, at komprehensibong komunikasyon, at ang pinakamodernong porma ng media ay ang pagkakaisa ng tradisyonal na media at bagong media. Sa kasalukuyan, buong lakas na nagsisikap ang CRI para mapabilis ang pagkakatatag ng moderno, komprehensibo, at bagong midyang pandaigdig, at ang CIBN ay isang nukleong hakbangin para pataasin ang kakayahan ng komunikasyong pandaigdig. "

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>