|
||||||||
|
||
Si Ginoong Red Ognita ay isang Filipino na nakatira sa Beijing nang mahigit 10 taon. Nagtatrabaho siya sa isang embahada dito sa Beijing, at apisyunado sa pagkuha ng larawan. Ang mga larawan na kuha niya ay nagwagi ng mga gantimpala sa Tsina, at maging sa ibang bansa, kabilang dito ang International Photography Awards sa US, Beijing in the Eyes of a Foreigner Award at Prix de la Photographie 2011 Fine Art Category sa Pransya.
Bakit mahilig si Ognita sa photography? "Maybe because I like the experience – a quiet time from the real world and an opprtunity to create. And that, is very satisfying" sabi niya. Sa katunayan, ang karamihan ng mga larawan ni Ognita ay black & white, at sa pamamagitan ng mga larawang ito, mahahanap ninyo ang katahimikan, sa kalikasan man o sa puso.
Narito ang ilan sa mga magagandang larawan na kinuha ni Ognita, at kung gusto ninyong mas makilala si Red Ognita at malaman ang mas maraming kuwento tungkol sa kanyang mga larawan, subaybayan ang aming programang "Mga Pinoy sa Tsina" sa susunod na Martes.
2011 Prix de la Photographie, Paris Fine-Art Category Official Selection
2011 Prix de la Photographie, Paris Official Selection
Beijing In The Eyes Of Foreigners 2009 3rd Place
Beijing In The Eyes Of Foreigners 2010 2nd Place
International Photography Awards 2010 U.S. 1st Place
International Photography Awards 2011 U.S. 2nd Place
Beijing
The Great Wall, Beijing
Guilin
Hong Kong
Back to Vera's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |