Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalihim de Lima:"defense panel, walang galang sa senado"

(GMT+08:00) 2012-02-13 17:24:07       CRI

SINABI ni Justice Secretary Leila De Lima na ang ginawa ng defense panel na pagpapatawag ng press conference kagabi ay isang pagpapakita ng kawalang-galang sa Senado na siyang naglilitis kay Chief Justice Renato C. Corona.

Sa isang panayam sa Kalihim ng Katarungan kaninang umaga, sinabi niya na lumalabas na desperado na ang lupon ng tagapagtanggol sapagkat inunahan na nila ang Senado na nakatakdang magdaos ng caucus ngayong araw na ito.

Magugunitang sinabi ng defense panel kagabi na gumagapang si Executive Secretary Paquito Ochoa at nag-aalok ng tig-iisang daang milyong pisong halaga ng mga proyekto sa mga senador na nakaluklok bilang mga hukom sa impeachment trial na papasok na sa unang buwan ngayong linggong ito.

Si Kalihim ng Katarungan Leila De Lima (gitna) kasama si Scott Ciment ng American Bar Association (kanan) at Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta sa paglulunsad ng pinakabagong aklat para sa mga tagapagtanggol ng mgav karaniwang mamamayan.

Sinabi ni Kalihim de Lima na tila kinukundisyon ng mga tagapagtanggol ang isipan ng mga mamamayan sa paglalabas ng mga iresponsableng mga pahayag.

"Isang kawalan ng galang sa Senado ang ginawa ng mga tagapagtanggol ni Chief Justice Corona at marapat lamang na huwag pabayaan ng Senado ang mga iresponsableng pahayag ng ito," dagdag pa ni Kalihim de Lima.

Ipinagtataka rin ni Kalihim de Lima kung bakit kailangan pang kumuha ng temporary restraining order sa Korte Suprema upang pigilin ang paglalabas ng dollar accounts ni Chief Justice Corona. Ayon sa Kalihim ng Katarungan, hindi na kailangang mapigil ang paglalabas ng dollar accounts sapagkat sinabi rin naman ni Chief Justice Corona na ilalabas din niya ang detalyes ng kanyang mga deposito sa bangko.

Nanawagan si Kalihim de Lima sa mga mamamayan na masusing bantayan ang impeachment trial sa Senado at maging mapagmasid sa mga nagaganap sa lipunan.

Sa pinakahuling pangyayari, ipinalabas ng mga pahayagan sa Metro Manila na bumoto ang mga Senador 13-10 na igalang ang temporary restraining order ng Korte Suprema laban pagbubukas ng dollar accounts ni Chief Justice Renato C. Corona. Magugunitang nagtungo ang defense panel sa Korte Suprema upang humingi ng temporary restraining order at ipagbawal ang pagbubukas ng dollar accounts.

KATEDRAL NG MAYNILA, PANSAMANTALANG ISASARA

SINIMULAN na ang masusing pag-aaral ng mga dalubhasa upang isaayos ang Manila Cathedral na kilala sa pangalang Basilica Minore of the Immaculate Conception na natapos itayo noong 1958.

 

Isang bahagi ng Manila Cathedral na kailangang isaasyos sa pinakamadaling panahon. Tinatayang humigit-kumulang sa P 50 milyong piso ang kailangan sa pag-saayos ng isa sa pinakamalaking simbahan sa Pilipinas.

Sa isang press conference, sinabi ni Arsobishop Luis Antonio Gokim Tagle, na kailangang isaayos ang katedral sapagkat nanganganib itong mapinsala sa oras na magkaroon ng malakas na lindol sa Maynila.

Larawan ni Arsobispo Luis Antonio Gokim Tagle, Arsobispo ng Maynila sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag.

Isinara nang pansamantala ang katedral mula noong Martes, ika-pito ng Pebrero at magtatagal ng hanggang sa susunod na taon. Mangangailangan ito ng humigit kumulang sa limampung milyong piso na malilikom ng isang foundation para sa pagpapanatili at pagsasaayos ng isa sa pinakamalaking simbahan sa buong bansa.

Hinirang ng Arkediyoses ng Maynila ang Angel Lazaro and Associates International na isang bantog na engineering consulting firm na magsagawa ng detalyadong pag-aaral sa structural integrity nf Manila Cathedral matapos mapuna ang paglaki ng mga bitak sa gusali.

Ayon kay Dr. Renato Solidum, director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, na bagama't walang fault line na dumaraan sa Intramuros, Maynila, malaki ang posibilidad na magkaroon ng liquefaction at pagyanig ng lupa.

Sinabi ni Arsobispo Tagle na hindi maisasakripisyo ang public safety kaya't minabuti nilang isarang pansamantala upang ayusin ang katedral. Samantala, isinasaayos na ang mga paglilipat ng mga kasal na nakatakda sanang gawin sa Manila Cathedral.

 

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>