Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kagawaran ng Enerhiya, aalalay sa mga tsuper dahilan sa pagtaas ng presyo ng gasolina

(GMT+08:00) 2012-02-20 20:04:24       CRI

Kagawaran ng Enerhiya, aalalay sa mga tsuper dahilan sa pagtaas ng presyo ng gasolina

NAG-UTOS na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Kagawaran ng Enerhiya na magbigay ng P 1,200 reload para sa isang daang libong (100,000) benepisyaryong Pantawid Pasada Program.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang reload ay upang maib sana ng epektong pagtataas ng presyo ng langis na magaganap ngayong gabi.

Kasama sa programa ang Office of Transport Cooperatives nasa klaw ng Kagawaran ngTransportasyon at Komunikasyon at ng Philippine International Trading Corporation sa ilalim naman ng Kagawaran ng Kalakal at Industriya, patitibayin ang ugnayan ng mga kooperatiba at mga gumagawang gulong, baterya at iba pang spare parts. Makakakuhang tax exemption ang mga kooperatiba, malibansa dealers' discount. Bababa ang gastos para sa maintenance ng mga sasakyan ng mga operator at tsuper ng mga jeep, bus, Asian Utility Vehicles at mga taxi.

Bukas ay magpupulong na ang mga kinatawan ng kooperatiba at mga gumagawang mga kagamitang kailangan ng mga tsuper at operator.

Ani Atty. Lacierda, tumataas ang presyo ng petrolyo dahilan sa lumalakas na pag-angkat ng mga bansa sa Europa na dumaranas ng ibayong taglamig. Nakadagdag sa pagtaas ng presyong langis ang tension sa pagitan ng Iran at iba pang bansasa Europa.

Nakatuto kumano ang pamahalaan sa mga programang kailangan ng pinaka-apektadong sector ng lipunan, particular ang mga tsuper at mga kasama sa pribadong sektor.

PANGULONG AQUINO, NANGAKONG ITUTULOY ANG KAMPANYA SA ILLEGAL LOGGING

SA kanyang panayam sa mga mamamahayag sa Baler, Aurora, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan ang kampanyala bansa illegal logging kasunod ng pagpaslang sa isang forest guard sa Cagayan Valley kamakailan.

Sinabi n iPangulong Aquino na pagtutuunan ng pansin ang naganap sa isang forest guard na napaslang sa kanyang sariling tanggapan.

Ani Pangulong Aquino, mahalagang malutas kaagad ang naganap na krimen. Kasabay ng paghahanap sa salarin, pagbubuti hinumano ang proseso. Dadagdagan ang salapi at kagamitan ng task force laban sa illegal logging upang mapigil ang illegal logging activities sa Sierra Madre mountain range.

Noong isang linggo, pinaslang si Melania Dirain, 46 na taong gulang, isang DENR forest specialist sa Sanchez Mira, Cagayan ang sinalakay ng salarin saka nyang tanggapan. Nasawi ang kawani dahilan sa limang tama ng bala sa dibdib. Ang forest specia list ang ikalawa sa pinakamataas na opisyal sa lalawigan, kasunod lamang ng Community Environment and Natural Resources Officer o CENRO.

Dumalaw si pangulong Aquino sa Baler, Aurora kahapon upang dumalo sa ika-33 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Aurora at pasinayaan ang Aurora Memorial Hospital.

PAGSASAKA, DAPAT TUMUGON SA CLIMATE CHANGE

ISANG dalubhasa ng Food and Agriculture Organization ang nagsabing marapat lamang na magtulungan ang mga bansang kabilang sa Asia Pacific Economic Cooperation na magtulungan upang maisaayos ang kanilang agricultural systems at makatugon ang mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at mga pamamaraan, madagdagan ang kanilang ani at masagot ang hamon ng food security at climate change.

Ayon kay Hideki Kanamaru ng Climate, Energy, and Tenure Division ng Food and Agriculture Organization ang pagsasa-ayos ng sistema sa pagsasaka ay nangangahulugan ng pagpapasigla ng produksyon upang matigunan ang national food security at development goals.

Sa kanyang pagsasalitasa APEC Symposium on Climate Change na may temang "Adaptation Strategies with Mitigation Potential for Food and Water Security," sa isang five-star hotel sa Kamaynilaan, sinabi ni Ginoong Kanamaruna ang food security at climate change ang nananatiling dalawa sa pinakamalalaking hamong hinaharap ng sangkatauhan.

Ipinaliwanag ni Kanamaruna isinusulongng Food and Agriculture Organization ang "climate-smart agriculture" na isang konsepto na baguhin ang kalakaran matamo lamang ang food security at development goals dahilan sa climate change.

SA IMPEACHMENT UPDATE:

NA saIka-dalawampung araw na ang Impeachment Trial ng Senadong Pilipinas kay Chief Justice Renato C. Corona.

Kumprimado ng Pangulong PSB ank na si Ginoong Pascual Garcia na nagsagawa ng audit ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council mula Setyembre hanggang Nobyembre 2010 at pinagtuunan ng pansin ang account ni Chief Justice Renato C. Corona.

Tuloy pa rin ang paglilitis kay Chief Justice Corona ngayon sa Senadong Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>