Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

You Are the Apple of My Eye

(GMT+08:00) 2012-02-20 22:07:54       CRI

Post

Kung naging patok sa inyo ang American Pie… Bagets… Tween Academy … at hilig nyo ang mga coming of age na mga pelikula… im sure magugustuhan nyo ang YOU ARE THE APPLE OF MY EYE.

Mega hit ito sa Taiwan, Hong Kong at maging dito sa Mainland China. Ang director at screenwriter ay si Giddens Ko.

Ito ay base sa semi-autobiographical novel ni Giddens Ko na "The Girl We Chased Together in Those Years" na naging bestseller sa mga Chinese online readers.

At ang cast ay kinabibilangan nila: Ko Chen-Tung, Michelle Chen, Steven Hao, Ao-Chuen, Tsai Cheng-Hsien, Yen Sheng-yu, Wan Wan.

Ang YOU ARE THE APPLE OF MY EYE ay isang coming of age na pelikula. Tungkol sa pagbibinata at young love. Paalala… hindi po pambata ang pelikula dahil may mga eksena na maselan PANG R-18 po ito kung ipapalabas sa Pilipinas. Meaning may nudity, bad words at mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga nagbibinata. Kung ano yun panoorin nyo na lang para ma-gets nyo. Pati ang palayaw ng mga barkada ng bidang si ay medyo GREEN…

Parte ng adolescence o puberty ang first love. Nakita din natin kung paano nagka gustuhan si Chia-yi (Michelle Chen) at si Ko Ching Teng (Ko Chen-Tung).

Si Shen Chia-yi

Si Ko Ching Teng

Mga Barkada

Nagka developan sila habang tinutulungan ni Chia-yi si Ko na tumaas ang mga marka sa eskwela. Nakaka kilig nung nagpa kalbo si Ko bilang pag tanggap ng pagkatalo sa pustahan nila.

Hindi happy ending para sa dalawang bida. Si Chia-yi nagpakasal sa isang mukhang mas matanda at mature na lalaki. Sa wedding party, nagtanong ang kaklase ni Chia-yi kung puwedeng halikan ang bride, sabi ng groom, dapat siya ang halikan muna. Katatapos ng salita, biglang sumugod si Ko sa groom at hinalikan niya nang matagal hanggang mapahiga sa mesa, natakot ang lahat. Siyembre, sa utak ni Ko, hinahalikan niya ang bride na si, Chia-yi. Samantala, nag flashback ang mga eksena ng love story ng dalawang bida noon nasa eskuwelahan sila...

Sina Chia-yi at Ko sa Wedding Party

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>