Sa kasalukuyan, mabilis na umuunlad ang usapin ng pag-aalaga ng mga matatanda ng Tsina. Patuloy na pinalalakas ang legal construction hinggil dito, at nakatawag ng malawak na pansin ng lipunan ang naturang usapin. Ayon sa China National Committee on Ageing o CNCA, patuloy na pabubutihin ng Tsina ang sistema ng pag-aalaga ng mga matatanda.
Sinabi kahapon ni Wu Yushao, Pangalawang Direktor ng CNCA, na nitong nakalipas na ilang taon, unti-unting itinatatag at pinabubuti ang sistema ng pag-aalaga ng mga matatanda, sinimulan at patuloy na pinalalawak ang rural community old-age insurance, dinaragdagan ang mga ahensiya na may kinalaman sa pag-aalaga ng mga matatanda, at unti-unting yumayaman ang pamumuhay ng mga matatanda, at naiigarantiya nang mas mabuti ang kanilang lehitimong karapatan.
Sa kabila ng naturang pag-unlad, nahaharap pa rin ang usapin ng pag-aalaga ng mga matatanda ng Tsina sa kritikal na hamon. Sa kasalukuyan, pumasok na ang Tsina sa panahon ng mabilis na pagtanda ng populasyon. Tinatayang aabot sa 221 milyon ang populasyon ng mga matatanda, bumubuo ng 16% ng buong populasyon ng Tsina. Ang Tsina ay isa na ngayong bansang pinakamabilis ang pagtanda ng lipunan, dumarami nang dumarami ang empty nest elderly, at maraming matatanda ang naghihirap. Ayon kay Ginoong Wu, sa hinaharap, pangunahing palalakasin ng Tsina ang sistema ng pension insurance sa kanayunan at konstruksyon ng sistema hinggil sa pag-aalaga ng mga matatanda, at aktibong isusulong ang pagpapalitan at pagtutulungang pandaigdig hinggil sa pag-aalaga sa mga matatanda.