|
||||||||
|
||
Mula noong nagbukas ang Tsina sa labas, naging kilala ang Beijing sa mga tanawin na katulad ng Great Wall of China, na isa sa mga pinakamagandang arkitekturang itinayo ng sibilisasyon ng tao; Forbidden City, na naging tahanan ng maraming emperador ng Tsina; Tian 'anmen Square, kung saan idineklara ang pag-usbong ng bagong Tsina, at marami pang iba.
Kasabay ng pag-angat ng kasikatan ng mga lugar na ito, ang pagdami ng ibat-ibang tao mula sa ibat-ibang panig ng mundo na nais bumisita sa mga nasabing lugar, at balik-tanawin ang mahabang kasaysayan na nakakabit dito.
Taun-taon, ay napakaraming mamamayan, Tsino at dayuhan ang nagpupunta sa Beijing para rito, lalo na sa mga panahon ng bakasyon. Pero, alam ba ninyo na bukod sa mga nabanggit kong mga lugar, ay napakarami pang ibang magagandang parke at pasyalan dito sa Beijing na kalimitang hindi pa napupuntahan ng mga bumibisita sa Tsina?
Pero, sa ating edisyon ngayon ay ipapakilala po namin sa inyo ang iba pang napakagagandang pook dito sa Beijing, punong lunsod ng Tsina.
Ang una po sa mga tinutukoy ko ay ang Long Qing Xia o ang Long Qing Gorge. Ito ay matatagpuan 96 na kilometro mula sa sentro ng Beijing, at isa ito sa top 16 tourist destination ng Beijing. Sa lugar na ito, maari kang umarkila ng bangka upang malibot ang buong ilog, at mayron ding ditong ibat-ibang aktibidad, katulad ng bunjee jumping, slide for life at marami pang iba. Ang ilog sa lugar na ito ay may malinis na tubig, ang kapaligiran ay maganda at payapa, maraming mga puno, at naggagandahang mga bundok. Napakagandang mamasyal dito dahil malapit ito sa sentro ng Beijing at malilibot mo ito sa loob lamang ng isang araw. Sa panahon naman ng tag-init, ang temperatura rito ay mas mababa ng 6.4 degree celcius kaysa sa downtown Beijing.
Ang lugar na ito ay may laking 119 kuwadrado kilometro, at taglay nito ang pinakamalaking dam sa Tsina, na may taas na 70 metro. Sa likod ng dam ay may malaking lawa at talon na gawa ng tao; ito ay isa pa sa mga magagandang tanawin na hindi dapat palampasin kapag ikaw ay namasyal dito. Sa ilalim ng dam ay mayroon ding magandang hardin kung saan maari kang magpakain ng mga kalapati. At sa tarangkahan naman ng dam ay matatagpuan ang pinakamalaking escalator sa buong mundo na hugis dragon. Ito ay may taas na 258 metro at may 8 bahagi. Ito ay nakatala sa Guinness Book of World Records.
Long Qing Xia
Long Qing Xia
Ang kasunod naman ay ang Jiankou Great Wall. Hindi po ito ang parte kung saan karaniwang nagpupunta ang mga turista. Alam po ninyo, napakahaba ng Great Wall of China, at ang bahaging ito ay isa sa mga pinakamaganda na hindi masyadong napupuntahan.
Marami po ang nagsasabi na ang bahaging ito ay ang pinakamagandang parte upang makita mo ang mga magagagandang tanawin sa Beijing at ang pinakamagandang lugar upang kumuha ng mga larawan. Ito po ay ang bahagi ng Great Wall na itinayo sa matutulis at matataas na bundok na hugis pana, o "arrow nock" sa Ingles.
Ito ay matatagpuan malapit sa Xizhazi Village, 30 kilometro mula sa Huairou County ng Beijing. Kumpara sa ibang bahagi ng Great Wall, ito ay kakaiba, dahil ito ay mas matarik at paliku-liko, at ang materyal na ginamit sa pagtatayo nito ay dolomite, isang lokal at puting baton a matatagpuan sa mga kabundukan ng nasabing lugar. Ito ang nagbibigay ng maganda at kapansin-pansing hitsura ng bahaging ito ng Great Wall.
May ilan ding kilalang mga estruktura sa parteng ito ng Great Wall, at ilan dito ay ang "nine eye tower," na may siyam na butas sa bawat bahagi at napakaimportanteng command post sa panahon ng digmaan noong sinaunang panahon; nariyan ang "Beijing knot," kung saan nagdurugtong ang tatlong bahagi ng Great Wall; ang "sky stair," na may matarik na anggulo na 70 hanggang 80 degrees; "the eagle flies facing upward," isang watch tower na itinayo sa pinakamataas na bahagi ng bundok at maging ang mga agila ay kailangang lumipad na nakaharap sa itaas upang marating ito; at ang "zhengbei tower," kung saan pinakamagandang pagmasdan ang kagandahan ng bukang liwayway at takipsilim.
Jiankou Great Wall
Jiankou Great Wall
Dakuan naman natin ang Beijing Mangshan National Forest Park Mangshan National Forest Park. Ito ay matatagpuan sa distrito ng Changping at ang pinakamalaking forest park sa Beijing, na may pinakamataas na bahagi na umaabot sa 659 metro. Ang naturang parke ay tahanan ng 176 na uri ng halaman at 96 na porsiyento nito ay natatakpan ng kagubatan.
Dito, maari kang mamasyal sa kagubatan at makita ang ibat-ibang halaman at hayop. Isang maganda at kakaibang getaway para sa mga gustong magrelaks at mahilig sa likas na tanawin.
( photo 1 and 2)
Mangshan National Forest
Mangshan National Forest
Ang Shibatan naman ay matatagpuan sa Aanjia Village, Wangping Town, distrito ng Mentougou, 50 kilometro mula sa downtown Beijing. Ang lugar na ito ay kilala sa mga matatarik na bangin, ibat-ibang hugis at malalaking bato, exotic na bulaklak, malinis na tubig ilog, at masarap na hangin. Dito ay maari kang umakyat ng bundok at mag-camping kasama ang mga kaibigan at pamilya. Para naman sa mga mahilig sa kalikasan, maari silang magpalipas-oras at pagmasdan ang magandang kapaligiran.
Shibatan
Shibatan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |