Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Karamihan ng mga manggagawa sa Syria: biktima ng human trafficking

(GMT+08:00) 2012-03-15 18:54:45       CRI

Ito ang nabatid ni Vice President Jejomar C. Binay (pangatlo mula sa kaliwa) na dumating sa bansa kasama ang 37 mga manggagawang Pilipino na umalis sa magulong bansa ng Syria.  Sa mga panayam na ginawa, nalaman na marami sa kanila ang biktima rin ng illegal recruiters. 

TATLUMPU'T ISA sa 37 mg Overseas Filipino Workers na mula sa Syria na kasabay umuwi ng Pilipinas ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ay pawang biktima ng human trafficking.

Ito ang lumabas sa mga panayam na ginawa sa mga manggagawa ng mga tauhan ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Si Ginoong Binay ang Presidential Adviser on OFW Concerns at dating chairman ng inter-agency committee.

Dalawampu't tatlo ang nadala ng mga human trafficker at mga biktima ng illegal recruiter. Dalawampu't lima ang mga biktima ng illegal recruitment.

Ang kaisa-isang lalaking OFW na nakauwi ay 57 taong gulang, nagmula sa Pangasinan at biktima ng illegal recruitment at human trafficking. Nagtrabaho siya sa isang printing press sa Syria.

Sinabi ni Ginoong Binay na apat sa mga OFW ang may edad na 21 hangang 22 taong gulang at nagtatrabaho na sa Syria sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon. Nangangahulugan umano ito na mga menor de edad pa sila ng umalis sa bansa. Lima ang umaming gumamit sila ng ibang pangalan sa kanilang mga pasaporte at pawang mga taga-Mindanao.

Ang Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang nagsasabing ang human trafficking o trafficking in persons ay kinabibilangan ng recruitment, pagbibiyahe, paglilipat, pagkakanlong o pagtanggap ng tao o mga tao sa pamamagitan ng pananakot at dahas. Kabilang din ang iba pang uri ng coercion, abduction, fraud, deception, abuse of power or position na ang layunin ay isailalim sa exploitation tulad ng sexual exploitation, forced labor or services at pang-aalipin.

Ang Republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 ang nagsasabing ang illegal recruitment ay kinabibilangan ng canvassing, enlisti9ng, contracting, transporting, utilizing, hiring, procuring workers ng sinumang tao o ahensyang walang lisensya mula sa Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay.

Pawang biktima ng illegal recruitment ang nagmula sa Mindanao.

PAYAPA ANG GINAWANG PROTESTA NG MGA MAMAMAYAN

NAGING payapa ang ginawang protest caravan ng iba't ibang sektor sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Hanggang sa oras na isinusulat ang balitang ito'y wala anumang kaguluhang naganap sa Metro Manila sa pagpoprotesta ng iba't ibang sektor tulad ng mga tsuper, maralitang tagalungsod, mag-aaral at mga kawani ng pamahalaan. Nanawagan silang kumilos ang pamahalaan laban sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Chief Supt. Agrimero Cruz, tagapagsalita ng PNP, ang koordinasyon at bukas na komunikasyon ang naging dahilan ng payapang protest caravan ng mga grupong kasama sa PISTON, KADAMAY, BAYAN, BAYAN MUNA at iba pang grupo.

Ang PNP National Operations Center at Highway Patrol Group ay magpapatuloy na magbantay sa iba't ibang bahagi ng bansa. Pinag-utusan ang mga alagad ng pulisya na huwag munang umuwi hanggang hindi natatapos ang mass actions sa kanilang nasasakupan.

Pinasalamatan ni Acting PNP Chief Deputy Director General Arturo Cacdac, Jr. ang mga pulis at mga nasa likod na mass action sa pagpapanatili ng kaayusan.

Suspendido naman ang klase sa Philippine Normal University, Emilio Aguinaldo College, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Santa Isabel College, San Sebastian College, National University.

Nagdesisyon na rin ang mga pamahalaan ng Pasay, San Juan, Paranaque at Quezon City na suspendihin ang klase sa elementarya at high school.

TANGING SI CHIEF JUSTICE CORONA ANG MAKAPAGPAPALIWANAG SA KANYANG DOLLAR ACCOUNT

KUNG masusunod lamang si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr., nais niyang tumestigo si Chief Justice Renato C. Corona sa impeachment trial sa Senate of the Philippines.

Maraming isyu na liliwanag sa oras na humarap bilang saksi si Chief Justice Corona, ayon kay Speaker Belmonte sa panayam ng mga mamamahayag. Kabilang ani Ginoong Belmonte ang dollar accounts kahit pa masasabing "unfair" ito para sa punong mahistrado subalit napakahalaga nito para sa usapin.

Ayon kay Majority Leader Neptali Gonzales II, si Ginoong Corona lamang ang nakasasagot sa mga tanong tungkol sa kanyang kakayahang bumili ng mga ari-arian na diumano'y nasa pangalan niya.

Maipaliliwanag din umano ni Ginoong Corona ang tira ng P 21 milyong kinita mula noong 2002 hanggang 2011. Dapat umanong nipaliwanag ng punong mahistrado ang kanyang tunay na "net income."

Tinanong din si Speaker Belmonte kung anong gagawin ng Mababang Kapulungan kung mapapawalang-sala si Chief Justice Corona, sinabi niyang naniniwala siyang hindi magaganap iyon. Umaasa siyang mapapatunayang nagkasala ang punong mahistrado.

MGA KAWAL NA PILIPINO, IPADADALA SA HAITI

SA pagpapatuloy ng pakikiisa ng Plipinas sa makataong mga palatuntunan upang matamo ang kapayapaan at maayos na pamumuhay, ipadadala ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang ika-15 Contingent to Haiti ayon sa United Nations Stabilization Mission in Haiti.

Gagawin ang send-off bukas kasabay ng pagtatapos ng UN Core Pre-Deployment Training sa Villamor Airbase sa Lungsod ng Pasay.

Ang koponan ay binubuo ng 155 katao na nagmula sa Philippine Navy sa ilalim ni Marine Colonel Arthur M. Biyo at may kasamang 12 opisyal at 143 enlisted personnel. Kasama rin ang sampung kababaihan na nagsanay ayon sa United Nations upang maipatupad ang peacekeeping operations.

Mayroon na silang orientation sa political, security at economic conditions sa Haiti na sumailalim sa kaguluhan at nakamamatay na lindol na ikinasawi ng may 220,000. Binuo ng United Nations ang koponan noong 2004 upang panatiliin ang seguridad sa bansa.

Panauhing tagapagsalita bukas si Rear Admiral Orwen J. Cortez, Philippine Navy Acting Flag-Officer-In-Command.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>