Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Edukasyon, mahalaga sa pag-unlad ng bansa

(GMT+08:00) 2012-03-16 18:06:23       CRI

ANG pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang magiging kaagapay sa pag-unlad ng buhay ng mag-aaral at ng bansa. Ito ang buod ng mensahe ni Bro. Armin Luistro, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga magtatapos sa mababang paaralan at sa high school ngayong buwan ng Marso.

Mahalaga ang araw ng pagtatapos hindi lamang sa mag-aaral kungdi sa kanilang mga magulang, administrador, mga guro at mga kawani ng mga paaralan at maging sa Kagawaran ng Edukasyon, dagdag ng kalihim.

Ayon kay Bro. Armin, ang pagtatapos ay nangangahulugan din ng pagsisimula sa bagong buhay. Maganda rin umanong balikan ang nakalipas na nagawa ng mga magtatapos upang mabatid ang mga posibilidad na magaganap sa mga susunod na panahon.

Angkop umano ang temang "Your Gift of Learning, Our Tool for Nation Building" sapagkat ito'y isang paanyaya sa lahat. Nanawagan siya sa mga magtatapos na alalahanin ang kanilang mga natamong kaalaman sapagkat ito'y tuntungan patungo sa mas magandang lipunan.

Pinasalamatan din ni Bro. Armin ang mga magulang, mga administrador, mga guro at mga kawani ng iba't ibang paaralan sapagkat sila ang nagsakripisyo at humubog sa mga magtatapos ngayong taon.

Ang mga lahat ng tumutulong sa mga mag-aaral ay maituturing na mga arkitekto, enhinyero at manggagawa na magkakasama sa pagtatayo ng isang malaking proyektong nagnangalang Republika ng Pilipinas.

ECONOMIC DIPLOMACY ANG BUOD NG RELASYON NG PILIPINAS SA RUSSIA

ANG relasyon ng Russian Federation at Pilipinas ay higit na iigting lalo pa't ito'y nakasalalay sa ekonomiya. Ito ang pahayag ni Foreign Secretary Albert F. del Rosario sa may isang daang mga negosyanteng Ruso, mga opisyal ng pamahalaan, mga diplomata at mga Filipinong naninirahan sa Moscow.

Sa isang hapunan na ginawa sa tahanan ni Ambassador Victor Garcia III, sinabi ni Kalihim del Rosario na dumalaw siya sa Russia sa pagtatapos ng isang taong pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Russia.

Nakausap niya si Foreign Minister Sergey Lavrov noong Martes at pinag-usapan ang mga paraan upang higit na gumanda ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Apat umano ang mahahalagang paksa sa Philipine economic diplomacy at ito ay ang posisyon o presensya, pagsusulong ng mga gawa sa Pilipinas at mga serbisyong maibibigay ng mga Filipino, partnerships at maging capacity-building.

Mahalaga rin ang papel ng mga embahada ng Pilipinas, kasama na ang mga konsulado, missions at honorary consulates sa pagpapatupad ng economic diplomacy activities.

Layunin ng bansang Filipinas na magkaroon ng mga stratehiya at mga pamamalakad, pagkakaroon ng mga bagong business partnerships at madagdagan ang mga turistang mula sa ibang bansa.

Inanyayahan niya ang mga negosyanteng Ruso na magnegosyo sa infrastructure, agri-business, business process outsourcing, pagmimina, turismo, creative industries, medical travel at iba pang mga prayoridad ng bansa.

Umaasa si Kalihim del Rosario na dadalaw ang mga negosyanteng Ruso ngayong taon upang alamin ang mga oportunidad at magkaroon ng mas magandang partnerships.

ISANG KAWAL NASAWI SA PAKIKIPAGSAGUPA SA ABU SAYYAF

LUMABAS na sa mga silid balitaan ng mga pahayagan at radio ang pagkasawi ng isang kawal at pagkakasugat ng tatlong iba pa sa sagupaang naganap sa Basilan kahapon ng hapon.

Ayon kay Colonel Ricardo Visaya ng 104th Brigade, ang mga sugatang kawal ay dinala na sa Zamboanga City kagabi, sakay ng military helicopters.

Hindi muna inihayag ang pangalan ng napaslang na kawal samantalang hindi pa nasasabihan ang kanyang mga kamag-anak. Tumagal ang sagupaan ng 45 minuto samantalang ang mga kawal mula sa 10th Scout Ranger Company ang naghahabol sa isang pulutong ng mga Islamic extremists.

Tumatakas ang mga armado matapos ang dalawang oras na barilan sa Baiwas na kinatampukan ng mga kawal ng 12 Scout Ranger Company. Nakatanggap ang mga kawal na nagsasagawa ng pagsasanay sa paggawa ng bomba ang mga armado.

Sinabi ni Colonel Visaya na hahabulin nila't darakpin ang mga bandido

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>