Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Years of Friendly Exchanges, ilulunsad ngayon

(GMT+08:00) 2012-03-20 17:56:26       CRI

MATAPOS lumagda at kilalanin ang taong 2012-2013 bilang Philippines-China Years of Friendly Exchanges nina Pangulong Benigno Simeon C. Aquino at Hu Jintao noong unang dumalaw si Pangulong Aquino sa Beijing, pormal na ilulunsad ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, kasama ang mga kasapi ng diplomatic corps, Chinese Ambassador to the Philippines Ma Keqing, mga dating Philippine Ambassadors to Beijing at mga nagmula sa Filipino – Chinese community at iba pang sector ngayong gabi.

Ayon sa editoryal ng Manila Bulletin, ang Pilipinas at Tsina ay malapit na magkakapit-bansa na ilang daang taon na ang pagkakaibigan, kalakalan at negosyo at ang mahalagang people-to-people communications. Ayon sa Joint Statement sa paglagda sa kasunduan, sinabi nina Pangulong Aquino at Hu na humigit na sa isang milyon ang dumalaw na mga Pilipino sa Tsina at mga Tsino sa Pilipinas.

Nagkasundo silang kumilos upang matamo ang dalawang milyong tourist arrivals sa taong 2016 sa pagpapalawak ng mga biyahe ng mga eroplano sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon pa sa editoryal, ang Pilipinas at Tsina ay nangakong magpapatupad ng pangmatagalang pagtutulungan na ang sandigan ay paggalang sa bawat isa, pagkakapantay-pantay at pakikinabang ng magkabilang-panig. Isang Joint Action Plan for Strategic Cooperation ang nilagdaan ng dalawang bansa noong Oktubre 2009 at magiging sandigan ng patuloy na pagtutulungan.

Magkakaroon ng high-level exchanges, mga pagdalaw at pagpupulong sa pagitan ng mga pinuno, mga kasapi sa gabinete, mambabatas at mga hukom at mahistrado, mga taong sangkot sa tanggulang pambansa at mga nagmumula sa sandatahang lakas, mga punong lalawigan at punong bayan. Kasama rin sa kasunduan ang pagpapalawak ng pagtutulungan ng mga kabataan, mangangalakal, mga mula sa dalubhasaan at pamantasan, mga media personalities at mga alagad ng sining.

Suportado ng Tsina ang public-private partnership program ng pamahalaang Pilipino. Palalakasin din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa United Nations, Asia-Pacific Economic Cooperation, Asia-Europe Meeting, World Trade Organization at iba't ibang samahan.

Nararapat lamang ipagpasalamat ang paglulunsad na ito ng 2012-2013 Philippines – China Years of Friendly Exchanges na titiyak sa mas magandang pag-unawa, magpapalawak sa kooperasyon at pagtutulungan, dagdag pa ng editoryal.

Senior official ng Czech Republic, dumalaw sa Malacanang

NAKADAUPANG-PALAD ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III si Czech Republic First Deputy Prime Minister at Minister of Foreign Affairs Karel Schwarzenberg sa pagdalaw ng panauhin sa Palasyo Malacanang kaninang umaga.

Nasa isang opisyal na pagdalaw si Ginoong Schwarzenberg sa Pilipinas at Vietnam. Ayon sa pahayag ng Malacanang, sa pagdalaw na ito ng panauhin, tiyak na higit na gaganda ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Unang nagkaroon ng diplomatic relations ang dalawang bansa may limampung taon na ang nakalilipas.

Lalong gumanda ang relasyon ng dalawang bansa matapos makasama sa European Union noong unang araw ng Mayo 2004 ang Czech Republic at sa pagpasok nito sa Asia-Europe Meeting noong Oktubre 2004.

Hindi limitado ang relasyon ng dalawang bansa sa investments sa mga pribadong kumpanya sapagkat binibigyan ng Czech Republic ang Pilipinas ng official development assistance particular sa infrastructure projects. Sumuruporta rin ang Czech Republic sa larangan ng sanitation, agriculture at energy. Bumibili ang Czech Republic mula sa Pilipinas ng electronic components kabilang na ang mga tela, muebles, mga frutas at mga productong pangsakahan.

Buwis, lumaki sa buwan ng Enero

LUMAGO ng may 14.19 % ang tax revenues na nakolekta ng pamahalaan kung ihahambing sa koleksyon noong nakalipas na 2011. Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Edwin Lacierda, umabot ang actual collections mula sa P 74.57 bilyon noong 2011 at natamo ang P 85.15 bilyon ngayong taong ito.

Ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Aquino, natamo ang dagdag na koleksyon nang walang anumang ipinatupad na bagong buwis, na umano'y pagpapatunay sa katapatan ng pamahalaang mapabuti ang koleksyon ng buwis.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>