Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, Tsina at Asean, magtutulungan laban sa smuggling

(GMT+08:00) 2012-03-23 18:19:53       CRI

ANG pagsugpo sa smuggling ay ipatutupad ng Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at gagamitan ng information technology at international cooperation.

Ito ang pangako ni Finance Secretary Cesar Purisima sa kanyang pagharap sa mga kasapi ng Foreign Correspondents Association of the Philippines kaninang umaga sa Crowne Plaza sa Lungsod ng Quezon.

Ipinaliwanag ni Ginoong Purisima na bukod sa paggamit ng mga makabagong paraan at programa sa information technology, ihahambing nila, sa pamamagitan ng Bureau of Customs ang datos tungkol sa mga inangkat at inilabas ng mga Pilipino sa mga bansang tulad ng Tsina at mga kasapi ng Association of South East Asian Nations o ASEAN.

Ngayon pa lamang, ani Ginoong Purisima ay makikita na ang pagkakaiba ng mga inangkat ng Pilipinas sa datos ng Tsina at iba pang mga bansa.

Sa panig ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, sinabi niyang handa silang pag-ibayuhin ang kampanya laban sa mga smuggler sapagkat inaayos na nila ang mga listahan ng mga customs brokers at mga negosyante. Magpapalitan umano ang Pilipinas at mga bansang nasa ASEAN, kasama na ang Tsina, ng electronic data.

Magkakaroon na rin umano ng "single window" para maiwasan ang pagpapasa ng mga palsipikadong dokumento at ang karaniwang ginagawang recycling ng mga import document.

Magkakaroon na rin ng electronic tracking ng mga containerized vans upang malaman ang kinahihinatnan ng mga kargamento. Ipatutupad na rin umano ang on-line x-ray system na may koneksyon sa clearance system.

Sa panig naman ng Bureau of Internal Revenue, sinabi ni Commissioner Kim Henares na magiging web-based na ang kanilang operasyon at gagamitin na ang Google Maps sa pagtatala ng mga negosyante ng kanilang mga tanggapan. Sa ganitong paraan, mababatid ng pamahalaan kung saan naroon ang mga negosyante at kung gaano ang kanilang binabayarang mga buwis.

Ayon kay Commissioner Henares, umaabot sa P 60 bilyon ang nawawala taun-taon sa buwis dahilan sa petroleum smuggling.

Gagamitan na rin computers ang pagbabayad ng capital gains tax at iba pang mga bayarin sa pamahalaan. Ang upgrading ng kanilang computer systems ay mapapakinabangan na pagsapit ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Ang pagpapalitan ng electronic data ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue ang mahalaga sa operasyon ng Department of Finance, dagdag pa ni Kalihim Purisima.

Sa larangan ng People-Private Partnership, isinasaayos na ang single ticketing sa LRT 1- MRT upang hindi na mahirapan ang balana.

Sa panayam ding iyon, sinabi ni Ginoong Purisima na ang Pilipinas ay isa ng net-creditor country. Nagpautang na umano ang Pilipinas sa International Monetary Fund upang maipautang naman sa mga nasa Europa. Ang foreign reserves umano ng Pilipinas ay mas malaki sa pagkakautang. Ang foreign exchange debt ng Pilipinas sa Gross Domestic Product ay mababa na aty natamo na ang 28%. Matapos umano ang Asian crisis noong 1997, higit sa 70% ang debt to GDP ratio at unti-unti nang nabawasan.

Isa na umanong surplus country ang Pilipinas at ang surplus ay nagmumula sa lakas ng business process outsourcing industry at sa lakas ng mga padala ng mga manggagawang Filipino na nasa ibang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>