Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahada ng Pilipinas sa Korea, handa sa anumang magaganap

(GMT+08:00) 2012-03-26 18:04:23       CRI

EMBAHADA NG PILIPINAS SA KOREA, HANDA SA ANUMANG MAGAGANAP

IBINALITA ni Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay na mayroong contingency plans ang Embahada ng Pilipinas sa Seoul sa oras na magkaroon ng anumang "full-blown conflict" sa pag-itan ng Hilaga at Timog Korea.

Sa kanyang pagharap sa sa mga Filipinong nasa Timog Korea, sinabi ni Ginoong Binay na nakahanda ang embahada sa "worst-case scenario."

Si Ginoong Binay ang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers' Concerns.

Mayroong 50,000 mga Filipino na naghahanapbuhay sa Timog Korea. Ikinalungkot din ni Ginoong Binay ang balak ng Hilagang Korea na maglunsad ng rocket na umano'y naglalaman ng satellite sa susunod na buwan. Pag-uutusan ng mga pinuno ng Pilipinas ang local government units na maaring maapektuhan ng posibleng pag-uwi ng mga manggagawang Filipino.

Idinagdag pa ni Pangalawang Pangulong Binay na nakalulungkot ang situwasyon sapagkat mayroong mga resolusyon ang United Nations tungkol dito at nangako ang Hilagang Korea na susunod sa nilalaman nito.

Bagaman, sinabi ni Ginoong Binay na siya'y umaasang hindi magkakaroon ng anumang kaguluhan sa Korean Peninsula at magtatapos ang krisis sa payapang paraan.

Nanawagan na rin ang Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa Hilagang Korea na huwag nang ituloy ang binabalak nito at sumunod sa mga resolusyon ng United Nations, ang Resolutions 1874 at 1718 na nananawagang wakasan na ang ballistic missile program.

Na sa Seoul si Pangalawang Pangulong Binay bilang kinatawan ni Pangulong Aquino sa 2012 Nuclear Security Summit.

91% NG BUDGET, NAILABAS NA

UMABOT na sa 91.3% ng budget para sa taong 2012 ang nailabas na ng Department of Budget and Management sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero. Nagkakahalaga ito ng P 793 bilyon mula sa P 869 bilyong nakalaan para sa gastos ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng 2012 national budget.

Ayon kay Kalihim Florencio Abad, ito ay bilang pagpapakita ng katuparan sa pangako ng liderato ni Pangulong Aquino na mapadali ang paghahatid ng basic services sa mga mamamayan, partikular sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Ang releases para sa personal services ay umabot na sa P 425 bilyon mula sa P 426.1 bilyong alokasyon. Ito ay nakalaan para sa sahod, allowances, ba pang personnel benefits at pensyon. Samantala, nailabas na rin ang 92.5% na nagkakalahaga ng P 217 bilyon mula sa P 234.4 bilyon para sa Maintenance and Other Operating Expenses samantalang naipadala na rin ang 72.5% o P 151 bilyon mula sa P 208.3 bilyong nakalaan para sa Capital Outlays, dagdag pa ni Kalihim Abad.

PAMAHALAAN, BINABANTAYAN ANG PRESYO NG BILIHIN

NAGPAABOT ng pagkabahala si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagtaas ng halaga ng bilihin at mga serbisyo.

Ayon sa kanyang opisyal na tagapagsalita na si Kalihim Edwin Lacierda, kahit pa pinupulaan si Pangulong Aquino, patuloy siyang kumikilos upang maibsan ang pinapasan ng mga mamamayan sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Sa isang briefing, sinabi ni Kalihim Lacierda na sa araw-araw, nakararating ang mga hinaing ng mga mamamayan kay Pangulong Aquino at batid ng pamahalaan ang mga hinaharap na suliranin ng mga mamamayan. Nagutos na umano si Pangulong Aquino sa kanyang mga opisyal na tugunan ang mga problemang ito.

Kabilang sa tugon ng pamahalaan, ani Kalihim Lacierda ay ang pabahay para sa mga pulis at kawal, healthcare para sa lahat at ang conditional cash transfer program.

Mayroon na umanong trabaho para sa narses sa pamamagitan ng Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service na nangalap ng may 30,000 narses sa buong bansa. Ang CCT, ayon pa kay Kalihim Lacierda ay mayroong higit sa tatlong milyong benepisyaryo sa buong bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>