Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bahala na ang Commission on Elections sa talaan ng mga botante

(GMT+08:00) 2012-03-28 18:59:58       CRI

SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na bahala na ang Commission on Elections kung pawawalang-saysay o hindi ang talaan ng mga botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa isang pahayag mula sa Tanggapan ng Pangulo, sinabi ni Ginoong Aquino na ang Commission on Elections ang nakakaalam kung ano ang gagawin sa isyu tungkol sa talaan ng mga botante.

Ayon kay Civil Registrar General Carmelita N. Ericta, napuna nila ang biglang pagtaas ng bilang ng mga mamamayan sa rehiyon sa census na isinagawa mula noong 1980, 1990 at 2000 na biglang tumaas sa 4.1 milyon noong 007.

Sinabi naman ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na dumalo sa pulong sa Malacanang, na pinag-aaralan na nilang pawalang-saysay ang talaan ng mga botante.

Idinagdag ni Pangulong Aquino na kailangang magpalitan ng mga datos tungkol sa populasyon ng kontrobersyal na rehiyon sa Katimugang Pilipinas.

Ang ARMM ay binubuo ng mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi.

KASABAY nito ang panawagan ng Pangulong Aquino sa Philippine National Police na pag-ibayuhin ang pagtatangka niyong masugpo at matapos na ang pagkalat ng mga pribadong armadong grupo sa mga lalawigan.

Kailangan itong gawin upang mabawasan ang kaguluhan sa darating na halalan sa taong 2013. Marapat umanong masugpo ang mga ito sa buong bansa. Karaniwang mga politiko ang namumuno at nagpapatakbo sa mga pribadong armadong grupo na kumikilos bago sumapit hanggang sa matapos ang bawat halalan.

Ani Pangulong Aquino, inutusan na niya ang Philippine National Police na lansagin ang mga armadong grupong ito, hindi lamang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao bagkos ay sa buong bansa.

Nakipagpulong si Pangulong Aquino sa kanyang gabinete at mga alagad ng batas upang suriin at pag-aralan ang mga impormasyon tungkol sa mga private armed groups. Kabilang din sa kanilang ginawa ang pagpapalitan ng kuro-kuro sa paraan na gagawin sa programang ipinatutupad.

MGA PINUNO NG EUROPEAN UNION, NAKAUSAP NI PANGALAWANG PANGULONG JEJOMAR C. BINAY

NAGKA-USAP sina Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay at European Council President Herman Van Rompuy at Pangulong Jose Manuel Barroso ng European Commission sa Seoul, South Korea samantalang may bakanteng oras sa Nuclear Security Summit.

Maganda ang relasyong nananaig sa pag-itan ng European Union at Pilipinas. Ayon sa isang pahayag ng European Union sa Maynila, nabanggit sa pag-uusap ang magandang relasyon ng EU at Pilipinas at pinag-aaralan kung paano pa mapapahusay ang pagtutulungang ito. Ang European Union ang isa sa pinakamalaking pamilihan ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Nais ng magkabilang-panig na pag-ibayuhin ang kalakalan.

Ang EU-Philippines Partnership and Cooperation Agreement na nakatakdang lagdaan ang naglalaman ng mga paraan upang higit na gumanda ang relasyon sa seguridad, kalakal, karapatang pangtao at migration.

Pinuri ng European Union ang Pilipinas sa mga ginagawa nito upang makabalik ang kapayapaan sa Mindanao.

Nagpag-usapan din ang mga nagaganap sa South China Sea at umaasa umano ang European Union sa payapang paglutas sa 'di pagkakaunawaan.

Nakatakdang magkadaupang palad sina European Council President Herman Van Rompuy, European Commission President Jose Manuel Barroso at Pangulong Benigno Aquino sa darating na Nobyembre sa Vietntiane sa ASEAN 10 Summit upang ipagpatuloy ang magandang relasyon ng dalawang panig.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>