Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino dadalo sa Ika-10 ASEAN Summit

(GMT+08:00) 2012-03-29 18:17:44       CRI

AALIS ng Pilipinas si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III upang makasama ng kapwa niya punong bansa mula ikatlo hanggang ika-apat ng Abril sa Phonm Penh sa Cambodia. Lilisan siya sa darating na Lunes, a-dos sa buwan ng Abril.

Ayon sa isang pahayag na binasa ni Assistant Secretary Teresita Barsana, ang summit meeting na ito ang pagdiriwang ng ika-46 na anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Magsisimula ito sa ganap na ika-siyam at kalahati ng umaga sa araw ng Martes.

Tema ng pagpupulong ang "One Community, One Destiny." Pag-uusapan ang progresong natamo sa pagpapatupad ng ASEAN Charter at roadmap para sa ASEAN community sa ilalim ng political security, economic at socio-cultural pillars.

Sa Martes, makakasama ni Pangulong Aquino ang iba pang pinuno ng ASEAN sa ASEAN Inter-Parliamentary Representatives, Civil Society Organization Representatives at mga kinatawan ng mga kabataan. Kasama sa pagpupulong sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. Congressman Victor Ortega at ang Secretary General ng ASEAN Inter-Parliamentary Association si dating Congressman Antonio Cuenco.

Sa darating na Miyerkoles, ika-apat ng Abril, magkakaroon ng pribadong pagpupulong ang mga pinuno ng ASEAN at magpapalitan ng mga pananaw sa pandaigdigan at pang-rehiyong mga isyu. Pagkatapos ng ASEAN Summit, makikipagpulong pa rin si Pangulong Aquino sa mga kasapi sa Brunei-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area at pag-uusapan ang mga palatuntunan para sa susunod na limang taon sa larangan ng transportasyon, power and communication connectivity, food basket strategy sa larangan ng agri-business and fisheries development, turismo at environment and natural resource development.

Bago umalis ng Camboadia, makakausap ni Pangulong Aquino ang mga Pinoy sa bansa. Tinatayang mayroong 3,000 mga Pinoy sa Cambodia at may 2,000 ang naninirahan sa kapitolyo at nagtatrabaho sa larangan ng medisina, kalakal at non-government organizations.

Ayon sa aking source sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, isusulong ni Pangulong Aquino ang mga isyu sa larangan ng maritime security at ang mga karagatan sa paligid ng Pilipinas, climate change at disaster risk reduction management. Kabilang din sa mahahalagang paksang kanyang tatalakayin sa pagpupulong ang proteksyon ng mga migrant worker at ang pagkakaroon ng small at medium enterprises.

Mga banyagang bilanggo, maayos ang kalagayan sa NBP

Sinabi ni Bureau of Corrections Director Gaudencio S. Pangilinan na madalas dumalaw ang mga manggagamot sa mga banyagang bilanggo sa kahilingan ng kanilang mga embahada sa Maynila. 

MAAYOS ang kalagayan ng mga banyagang nakakulong sa National Bilibid Prison, ang pinakamalaking piitang saklaw ng Bureau of Correction. Ito ang pahayag ni Director Gaudencio S. Pangilinan, isang retiradong heneral sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sa panayam ng China Radio International-Filipino Section kaninang umaga.

Sinabi ni Director Pangilinan na 159 ang mga banyagang nakapiit sa National Bilibid Prison samantalang mayroong 14 sa Correctional Institute for Women sa Lungsod ng Mandaluyong. Walumpu't pito ang mga lalaking nagmula sa Tsina samantalang may 11 kababaihang nasa Correctional Institute for Women, dalawa naman ang nasa Iwahig Penal Farm sa Palawan, dalawa rin sa San Ramon Penal Farm sa Zamboanga, lima ang nasa Sablayan Penal Farm sa Mindoro at dalawa naman ang nasa Leyte Regional Prison.

Madalas dalawin ng mga manggagamot ang mga banyagang bilanggo dahilan sa kahilingan ng mga consul ng iba't ibang bansa. Bukod sa mga Tsino, mayroong siyam na Ingles, siyam na Malaysian, walong Hapones, pitong Taiwanese, apat na Singaporean at tigtatatlong Jordanian, Korean at Nigerian, dalawang Vietnames at iba pang mga lahi.

Karamihan ng usapin ng mga Tsino ay may kinalaman sa drugs. Mayroon ding mga nahatulan dahilan sa human trafficking, estafa at murder.

Nagkaroon din ng prisoner-swapping program sa pag-itan ng Hong Kong at Pilipinas. Bagama't walang mga kamag-anak na dumadalaw sa kanila, may mga consul mula sa mga embahada ng Denmark, Switzerland, Tsina at Japan.

Hindi magtatagal, magtatayo na rin ng isang Buddhist temple sa loob ng National Bilibid Prison bilang dagdag sa Catholic chapel at isang mosque sa loob ng Maximum Security compound.

Placement agency, inalisan ng lisensya, mga palsipikadong dokumento, sinamsam

IBINALITA ng Embahada ng Pilipinas sa Malaysia sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas dito sa Maynila na dalawang Philippine consular mobile offices sa Sabah at sa Embahada ang nakababatid ng pagtatangkang magsumite ng mga palsipikadong dokumento ng ilang mga passport applicant. Ang mga humihiling ng pasaporte ay hawak ng ilang placement agencies.

Sinamsam na ng consular mobile team sa Kota Kinabalu ang 11 palsipikadong birth certificates samantalang tinanggihan naman ang palsipikadong mga birth certificate ng 12 aplikante sa Tawau. Maingat umano ang mga tauhan ng embahada sa paglalabas ng mga pasaporte.

Isang placement agency ang sinisiyasat ngayon at hindi ipoproseso ang anumang dokumentong magmumula sa kontrobersyal na ahensya. Naghihintay ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ng joint investigation ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas at National Statistics Office sa pangyayari.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>