Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Pilipino, naghahanda na para sa Mahal na Araw

(GMT+08:00) 2012-03-30 18:15:28       CRI

MARAMING mga mamamayan ang naghahanda na para sa kanilang paglalakbay pauwi sa kanilang mga lalawigan sa darating na linggo sa pagdiriwang ng mga Pilipino ng Mahal na Araw.

Ito'y magsisimula sa Linggo ng Palaspas na gumugunita sa pagpasok ng Panginoong Hesukristo sa Jerusalem at magtatapos sa Pasko ng Muling Pagkabuhay sa darating na Linggo, ika-walo ng Abril.

Sa loob ng papasok na linggo, gugunitain ang pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo at ang tinaguriang Mysterio Pascual na magsisimula naman sa Huwebes Santo, Viernes Santo at sa darating na Easter Vigil sa gabi ng Sabado. Ipagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay sa darating na Linggo. Karaniwang kinatatagpuan ito ng salubong, Sa pagkakataong ito ay inaalis ang belong itim ni Birhen Maria, kasabay ng pag-awit ng mga kabataan bilang pagdiriwang sa Pasko ng Pagkabuhay na muli.

DALAWA ang dahilan kaya't mahalaga ang Semana Santa sa mga Pilipino.  Ipinaliwanag ni Msgr. Pedro Quitorio III na mayroong religious at cultural significance ang Semana Santa.  Mahalaga ito sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa, dagdag pa niya

Ayon kay Msgr. Pedro Quitorio, director ng CBCP Media Office, mahalaga ang Semana Santa dahilan sa religious at cultural significance. Naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang Semana Santa o Mahal na Araw.

Hindi na nawawala ang Mahal na Araw saan man naroon ang isang Pilipino, maging sa kalagitnaan ng buhanginan sa Saudi Arabia o sa mga barkong naglalayag sa malalawak na karagatan.

Malaki na rin ang pagbabago sa kinagawian ng mga Pilipino kung kultura ang pag-uusapan. Hindi na gasinong popular ang tradisyunal na Pabasa subalit hindi pa rin nawawala.

Bagama't nabawasan ang gumagawa ng Visita Iglesia, kasama pa rin sa kultura ng mga Pilipino.

Ang religious aspect ng Semana Santa ay bahagyang nabago mula ng magkabisa ang Vatican II. Sa mga Pilipinong nais makilahok sa Semana Santa kahit pa malayo sa mga simbahan, makadadalaw sila sa visitaiglesia.net upang magnilay at makiisa sa pagdiriwang na Semana Santa, dagdag pa ni Msgr. Quitorio.

Sa panig ng pamahalaan, alertado na ang iba't ibang tanggapan ng gobyerno na maglilingkod sa mga magtutungo sa mga lalawigan. May dagdag na tauhan ang mga pulis sa mga paliparan at mga bus terminal at mayroon namang Philippine Coast Guard sa mga daungan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>