Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Public attorneys office: tutulungan namin ang mga bilanggo

(GMT+08:00) 2012-03-30 18:17:56       CRI

TINIYAK ni Chief Public Attorney Persida Rueda-Acosta na tutulong ang kanyang tanggapan upang mabawasan ang mga nabibilanggo sa iba't ibang piitan sa buong bansa. Ipinaliwanag ni Atty. Acosta na karaniwan nilang ginagawa ang pagdalaw sa mga piitan dala ang mga manggagamot, mga dentista at mga abogado upang alamin ang kalagayan ng mga napipiit.

NAKIKIPAG-USAP si Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta sa mga bilanggo ng National Bilibid Prison kaninang umaga. Layunin nilang mabawasan ang mga piitan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga papeles at iba pang record. Libu-libo na ring bilanggo ang kanilang napalaya mula ng simulan ang pagdalaw sa mga piitan noong 2007

Sa panayam kaninang umaga sa National Bilibid Prison, sinabi ni Atty. Acosta na noon pang 2007 na nila sinimulan ang pagdalaw sa mga bilangguan. Prayoridad nila ang alamin ang kalagayan ng mga political prisoner mula pa noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos hanggang noong nakalipas na administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Mahalaga ang palatuntunan upang mabawasan ang mga bilanggo. Kailangan umano ang computerized inmate tracking system upang medaling maayos ang papeles upang mapalaya sila sa takdang panahon. Mayroon umanong 2,000 bilanggo na klarado na ang takdang petsa kung kailan matatapos ang hatol at kung ilan ang good conduct time allowance na dapat ibawas sa kanilang sentensya upang hindi matagalan ang pagpapalaya sa kanila.

Binanggit din ni Atty. Acosta na noong nakalipas na taon, umabot sa 78% ang usaping kanilang naipagwagi sa iba't ibang hukuman sa buong bansa. Mayroon silang 600,000 mga usaping kriminal at sibil na hinahawakan sa buong Pilipinas. Walang tiyak na takdang panahon kung kailan matatapos ang usaping nasa hukuman sapagkay mayroong tumatagal ng isa hanggang tatlong buwan at mayroon namang nagbibilang ng taon.

 

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>