Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Human rights watch nanawagan sa pamahalaang Pilipino:buwagin ang private armies

(GMT+08:00) 2012-03-30 18:19:38       CRI

MULA sa New York, nanawagan ang Human Rights Watch sa pamahalaan ng Pilipinas na isabay na sa bubuwaging mga armadong grupo ang paramilitary units na suportado ng gobyerno.

Nauna nang nangako ang pamahalaang bubuwagin ang private armies bago pa man pumasok ang election season sa taong 2013.

Ayon sa Human Rights Watch, dapat ipagbawal ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang lahat ng paramilitary units sa Pilipinas. Ang paramilitary units ang bahagi ng private army ng Pamilya Ampatuan na may kinalaman sa pagkasawi ng 58 katao sa Maguindanao. Karamihan sa mga napaslang ay mga mamamahayag. Ang mga pag-abuso ng paramilitary units ay bihirang siyasatin o litisin kaya't nagkakaroon ng climate of impunity na nagiging dahilan ng higit na paglabag sa batas.

Kapuri-puri ang desisyon ni Pangulong Aquino na uwagin ang mga private army upang matapos ang kaguluhan sa bansa subalit dapat ding isama ang paramilitary forces na abusado rin.

Noong Miyerkoles, sinabi ng Philippine National Police na nabuwag na nila ang 28 private armed groups at nadakip din ang may 106 na suspect. Mayroon umanong talaan ng mga grupong ito ay mayroon pang 86 na nalalabi. Nanawagan ang Human Rights Watch sa pulisya na ilabas ang talaan ng mga private armies at ipaliwaag ang mga hakbang na ginawa upang matapos na ang pananalanta ng mga armadong grupong ito.

Karaniwang madugo ang mga halalan sa Pilipinas dahilan sa magkakalabang grupo na suportado ng mga private army at mga paramilitary units.

Kinabibilangan ang mga grupong ito ng Civilian Armed Force Geographical Units o CAFGU, ang Special CAFGU Active Auxiliary, Civilian Volunteer Organizations at Police Auxiliary Units.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>